MUKHANG tiniyak ni Coco Martin sa rumored boyfriend ni KC Concepcion na si PauloAvelino na iingatan niya ang bagong leading lady sa seryeng Ikaw Lamang.
Base sa tsikang nakarating sa amin, nag-usap sina Coco at Paulo ng lalaki sa lalaki tungkol kay KC dahil baka nga naman ma-develop ang una bagay na ayaw siyempreng mangyari ng huli.
Marahil ay may sinabi ang leading man ni Bea Alonzo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon kay Coco kaya sinigurado ng bida ng Ikaw Lamang na walang dapat ipag-alala si Paulo.
“All I know sabi ni Coco ay aalagaan niya si KC for Paulo,” tsika ng aming source.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Ikaw Lamang, si KC bilang si Natalia ang magiging love triangle nina Gabriel (Coco) at Andrea (Kim Chiu) na mapapanood na ngayong linggong ito.
ni Reggee Bonoan