Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love story nina Alex, Joseph, Yen, at Arjo, nakaaaliw!

081714 joseph alex yen arjo pure love

00 fact sheet reggeeAliw ang TV viewers sa kakaibang love story na nabuo ng mga pinag-uusapang karakter nina Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos, at Arjo Atayde sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Pure Love.

Kung sa simula ay kinagigiliwan na ng mga manonood ang namuong love triangle nina Diane (Alex), Ysabel (Yen), at Dave (Joseph), ngayon ay mas tumindi pa ang level ng kilig dahil sa pagiging interesado ni Raymond (Arjo) kay Ysabel. Dagdag-pampakilig pa sa programa ang kakaibang karisma nina Joseph at Arjo na mas kilala na ngayon ng viewers bilang ang mga lalaki sa buhay nina Diane at Ysabel.

Ngayong nakuha na ni Diane—sa pamamagitan ng pagkatao ni Ysabel—ang tiwala ni Raymond, ano-ano ang kanyang gagawin upang malaman ang tunay na balak ng kasintahan sa kanilang pamilya at negosyo?

Halaw sa hit 2011 Korean TV series, ang local adaptation ng Pure Love” ay sumesentro sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at katatagan ng relasyon ng pamilyang Filipino. Ibinabahagi nito ang kuwento ng pinag-ugnay na buhay nina Diane at Ysabel na pinagtagpo ng tadhana sa pamamagitan ng isang aksidente. Nang ma-comatose si Diane, nalaman niyang hindi pa niya oras mamatay. Kaya naman binigyan siya ng pagkakataon ng isang misteryosong “Scheduler” para muling mabuhay sa isang kondisyon—sa loob ng 40 araw, kinakailangan niyang makahanap ng tatlong tao maliban sa kanyang kapamilya na luluha dahil sa tunay na pagmamahal sa kanya. At para magawa ito ay hihiramin niya ang katawan ni Ysabel.

Kasama nina Alex, Joseph, Yen, at Arjo sa Pure Love sina Matt Evans, Arron Villaflor, Yam Concepcion, at ipinakikilala si Anna Luna. Bahagi rin ng cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce, at Shey Bustamante. Ang sa ilalim ng direksiyon ni Veronica Velasco.

Huwag palampasin ang primetime’s newest sensation, Pure Love, gabi-gabi, 5:50 p.m., bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @PureLovePH sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/purelovetheofficial.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …