Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, aminadong nasaktan sa buntis issue!

00 SHOWBIZ ms mINAMIN ni KC Concepcion na nasasaktan siya sa mga intrigang ibinabato sa kanya lalo na ang usapin ukol sa pagbubuntis at anak niya ang mga kapatid na sina Miel at Miguel. Ito ang sinabi ni KC sa presscon ng Ikaw Lamang noong Martes ng gabi.

“’Yung buntis issue since 18 years old ako, kapag lumalabas ako ng bansa ay buntis ako at kapag payat akong bumabalik ay nagpa-abort. Tapos si Miel naman daw po ang anak ko at binayaran ang press na itago ang rumors. Tapos ngayon hindi na si Miel si Miguel naman daw. Sabi ko nga, mga Pangilinan ang mukha nakadidiri namang isipin,” paliwanag ni KC na gaganap bilang si Natalia sa Ikaw Lamang.

Iginiit pa ni KC na sobra siyang nasasaktan dahil hindi lang siya ang apektado bagkus pati ang kanyang pamilya. “Nasasaktan po actually. Kasi kapag dumarating na sa point na ‘yung family na ‘yung ano, kasi nabi-brainwash ng mga tao, parang naririnig nila lagi at kapag sila na ‘yung nagtanong doon nagiging personal kasi parang iba na ‘yon. Kunwari pinag-uusapan at naririnig na nina Frankie sa school parang ‘di na nakatutuwa ‘yung personally naa-affect na ‘yung family,” anang 2014 Famas Best Actress.

081414 kc concepcion

Sinabi pa ni KC na hindi siya sanay na sagutin ang mga ibinabatong intriga sa kanya pero naniniwala siyang ito ang tamang panahon para linawin ang lahat-lahat.

Nilinaw din ni KC ang ukol sa paglipad niya ng US dahil hindi raw sa kanya napunta ang role na Dyesebel.

“’Yung trip ko po to the States was really for me, 3 years in the making. Parang hinahanapan ko lang po talaga ng timing ‘yon. July or August nag-States na po yata ako noon at doon ko naplano na magpapaalam ako sa ABS-CBN, Dreamscape at sa Viva kung pwede. And they gave me the go-signal so parang nagkataon lumabas ‘yung ‘Dyesebel’. People were asking me on Twitter. Kasi may lumalabas ding publicity na is she playing ‘Dyesebel’? So, hindi rin po sa amin nanggaling ‘yung speculations at ang mga nagtatanong sa Twitter,” sambit pa ni KC.

Samantala, napapanood na ang mga de-kalibreng aktor na magdadagdag-kulay sa master seryeng Ikaw Lamang ng ABS-CBN2. Matutunghayan na natin ang malaking pagbabago ngayong Agosto na bukod sa mga nag-matured nang character, may mga bagong karakter na bibigyang buhay.

Mapapanood pa rin sina Coco Martin at Kim Chiu bilang nagdalagang Gabriel at Andrea. Sina Amy Perez at Joel Torre naman sina Isabelle at Samuel at si Christopher de Leon, si Franco.

Kasama pa rin sina Lupe na gagampanan na ni Rico Locsin at si Calixto na gagampanan ni Noni Buencamino.

Nadagdag naman sa mga karakter sina Smokey Manaloto, Arlene Muhlach, Jojit Lorenzo, Alora Sasam, at Mylene Dizon.

Ang Ikaw Lamang ay mula pa rin sa direksiyon nina Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco at mula ito sa obra ng Dreamscape Entertainment Television.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …