Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, ipinagkibit-balikat ang balitang hiwalay na sila ni Erwan

00 SHOWBIZ ms mNOONG May this year pa nabalitang naghiwalay na sina Anne Curtis at BF nitong si Erwan Heussaff. Bagamat agad nilang pinasinungalingan ito, hanggang ngayo’y pinag-uusapan pa ito.

“I think it would just keep on happening because we’re not a showbiz couple,” paliwanag ni Anne nang makausap namin ito sa presscon ng romantic comedy film ng Viva, ang The Gifted na mapapanood na sa September 3 at pinagbibidahan din nina Cristine Reyes at Sam Milby.

Sinabi pa ni Anne na patuloy na hindi namamatay ang usaping hiwalay na sila dahil, “we choose to keep it private” na ibig sabihin, hindi sila ‘yung tulad ng iba na ipino-post ang mga sweet moments sa Instagram.

“I don’t think it (the rumors) will ever stop as long as we’re private. So okay lang. Siya (Erwan), natatawa na lang siya,” sambit pa ni Anne.

081414 anne erwanSamantala, hindi pa naman daw handa si Anne sakaling alukin siya ng kasal ni Erwan at iginiit na hindi naman siya naiinggit sa nangyaring proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera.

“Huwag muna! Huwag muna. Siguro mga three or four years, I’ll be ready.”

Sa kabilang banda, kakaiba ang mga karakter na gagampanan nina Anne at Cristine sa The Gifted dahil pareho silagn genius mula pagkabata, pero hindi naman pinagpala ng kagandahan at kaseksihan. Gagampanan ni Anne si Zoe Tuazon, mayaman, overweight, at bitch. Si Cristine naman ay si Aica Tabayoyong, nerd ang hitsura dahil makapal ang kilay at salamin, malapad pa ang ilong at frizzy ang buhok.

Lalaki silang magkaribal sa patalinuhan, atensiyon, at pagmamahal ng guwapo at Ingliserong si Mark Ferrer (Sam) na kaklase nila.

Mapapanood na ang The Gifted sa Sept. 3 na handog ng Viva Films at MVP Entertainment Philippines.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …