Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby, may bagong kapamilya

00 fact sheet reggeeMAY bagong miyembro ang pamilya ng mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby Aquino.

Noong Sabado ng hatinggabi ay nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng, “Prada is here! Bimb chose his name. Thank You Derek (Ramsay) for the new member of our family and for making my Bimb sooooo HAPPY!  Kuya Josh is still a bit scared #puppylove.”

Sinundan pa ng, “He’s (Prada) taken over!  Good night IG friends, from Bimb and Prada…”

Say naman ng post ng headwriter ng Kris TV na si Darla Sauler, isang Bichon Frise puppy na hypoallergenic si Prada kaya pumayag si Krissy na magkaroon ng pet sa bahay dahil nga allergic silang mag-iina sa anumang uri ng hayop na may balahibo.

Ayon pa kay Darla nasabi raw ni Kris, ”Si Kuya Joshy ang medyo scared pa sa dog. According to Krisy, having a pet is her way of preparing or testing her kids, kung handa na nga ba silang tumanggap at magmahal ng bagong kapamilya. In case, na dumating ang time na maisipan nilang mag-adopt.”

081314 bimby kris dog
Masarap yakapin at laruin si Prada kaya hindi na kami magtataka kung parating karga ni Bimby ang unang pet sa shooting ng Praybeyt Benjamin 2 na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival kasama sina Vice Ganda at Richard Yap at sa programang Aquino and Abunda Tonight na sinasamahan niya ang mama Kris niya.

Hmm, hilingin kaya ni Bimby na magkaroon ng cameo role si Prada sa Praybeyt Benjamin 2?  Ano kayang say ni direk Wenn Deramas?

Noong Agosto 12 naman ang first shooting day ni Kris ng sequel ng Feng Shui kasama si Coco Martin na ididirehe ni Chito Rono bilang entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Suwerte raw sa Feng Shui ang petsang ito kaya ito rin ang pinili ng Queen of All Media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …