Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk GB, closet gay? (Gustong makasal kay Ritz)

00 fact sheet reggee

Feeling namin ay dagdag kuwento ang episode nina Ricky Davao at  Melissa Mendez para pampasaya lang kasi late bloomer na bading ang aktor na inamin niya sa asawa na matagal na pala siyang nagtitiis.

Imposible namang closet gay si direk GB dahil base sa pagkakakilala namin sa kanya ay wala namang bakas, puro lang tsismis. Hmm, baka nga late blommer ka direk, ha, ha, ha,ha, joke!

Teka, hindi kaya ang sumulat uli ang may personal na kuwento rito sa closet gay, Erik?

Ano naman kaya ang papel ni Anjo Yllana sa buhay ni direk GB, eh, hindi naman siya iresponsableng ama at asawa? Nagkataon lang na separated na ang direktor sa asawa at ina ng mga anak niya. Sabi nga namin, baka pampadagdag saya lang kasi nga nakatutuwa naman si Anjo na walang ginawa kundi magkukuha sa kanyang digicam ng mga babaeng type niya at nakaka-sex niya.

Parang mas type yata niyang maging photographer kaysa sumakay ng barko na kasalukuyang trabaho niya. Kaya ang asawang si Sharmaine Arnaiz ay galit at pumayag ng makipaghiwalay sa kanya at later on ay nakatagpo ng lalaking masasandalan, kuwento ba ulit ito ng sumulat, Erik?

Sigurado naman kami kung sino si Angel Jacob bilang si Pia sa buhay ni direk GB na nahiwalay siya pero maganda ang relasyon nila dahil naging magkaibigan sila, ang tunay na asawa’t ina ng mga anak ng direktor, dating executive ng isang recording company.

Sa kuwento ay si Victor Neri ang asawa ni Angel pero hindi sila magkasundo sa sex. Hindi naman siguro ganito ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina direk GB at asawa niya dahil marami silang anak ‘no?

070214 Direk GB Sampedro ritz

Gustong makasal kay Ritz

But kidding aside, muling ikinasal si Victor kay Ritz Azul na anak nina Ricky at Melissa na ang feeling namin ay ito ang pangarap ni direk GB na muli siyang bigyan ng chance na makasal ulit sa babaeng mamahalin niya at aalagaan.

Ikaw ba ito Ritz?

Mahuhusay ang mga artista, wala kaming puwedeng ilaglag, ang gaganda ng shots, ang galing ng pagkakatahi ng istorya at paano natapos sa loob ng pitong araw ang anim na kuwento ng mga lalaking S6parados?

Komento lang namin, masyadong maraming istorya, nakababagot panoorin kung hindi ka fan ng ibang artistang nagsiganap at walang impact. Ang natandaan namin ay ang kuwento ni Erik na binubugbog ng asawa, ha, ha, ha kasi nagtawanan ang lahat. Alam mo naman ang mga Pinoy gusto nila ng bugbugan, duguan, at patayan. ‘Yan ang tatak indi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …