ISANG buwan na puno ng magic at mahahalagang aral ang hatid nina Vhong Navarro, Carmina Villarroel, at Louise Abuel sa buong pamilya ngayong Agosto sa pagsisimula ng kanilang Wansapanataym special na pinamagatang Nato de Cocona halaw sa isa sa mga obra ng batikang comics master na si Rod Santiago.
Sa Nato de Coco na ipalalabas na ngayong Linggo (Agosto 3), bibigyang-buhay ni Vhong ang karakter ni Oca, ang ama ni Nato (Louise), at isang mahusay na basketball player. Ngunit dahil sa kanyang pagiging abala sa kanyang karera, mawawalan si Oca ng panahon para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak na lubos na humahanga sa kanya.
Makababawi pa ba si Oca sa mga pagkukulang niya sa kanyang pamilya? Sa sandaling malagay ang buhay niya sa panganib, paano pa mapoprotektahan ni Oca ang anak na si Nato?
Bahagi rin ng Nato de Coco sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, Epi Quizon, at Yogo Singh mula sa panulat ni Noreen Capili at idinirehe ni Lino Cayetano.
Mula sa Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.