NASA ABS-CBN hallway kami kahapon at nakasalubong namin ang taga-production at sinabing, ”uy mataas naman ang ratings ng ‘Hawak Kamay’, in fact talo naman niya ‘yung katapat na programa.”
Ikinatwiran namin na nakatanggap kami ng mensahe na kung puwedeng isulat at narinig din naming pinapa-media hype ang Hawak Kamay kasi nga mababa sa ratings game.
“Siguro that was the pilot week kasi brown out all over Metro Manila, so understandable naman. Pero the second week, humataw na talaga at malaki na lamang sa katapat na kalaban, in fact nanguna na nga sa nationwide rating ang ‘Hawak Kamay’,” katwiran sa amin ng taga-production.
At least nakabawi na pala ang serye nina Piolo Pascual, Nikki Gil, at Izza Calzado, ‘di ba Ateng Maricris?
Nabanggit pa ng aming kausap na nangunguna ang Hawak Kamay sa nationwide orNUTAM rating na nakakuha raw ng 27% plus.