Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, karapat-dapat tawaging Primetime Queen ng GMA (Sa pagkita ng mga pelikula at magandang ratings ng serye)

00 fact sheet reggeeNAPAG-UUSAPAN ng mga kilalang tabloid editor na dapat daw ay si Carla Abellana ang tawaging primetime queen sa GMA 7 at hindi siMarian Rivera.

Katwiran ng mga tabloid editor ay halos lahat ng programa raw ni Carla ay matataas ang ratings at kumikita pa ang mga pelikulang nagawa.

Kinuha namin ang panig ni Carla tungkol dito sa ginanap na pocket presscon ng Somebody To Love mula sa Regal Entertainment.

”Wow, well, siguro dapat manggaling iyon sa network, kasi ang desisyon na ‘yan ay wala naman sa atin or wala rin naman sa public or sa viewers, it should come from the network, I guess.

“Hindi ko naman alam kung ano ang qualifications or kung anong standard para mapabilang ka? I don’t know how that works, pero flattered siyempre kasi napansin ako, siyempre compliment ‘yun na parang nakikita nilang  possible or nakikita nilang  puwede,” magandang paliwanag ni Carla sa amin.

Nakakalimang taon palang si Carla sa GMA at ilang taon naman ang lamang ni Marian kaya siguro sa huli ipinagkatiwala ang titulong primetime queen.

080214 Carla Abellana

Samantala, sunod-sunod ang magagandang ratings ng programa ni Carla at kumikitang pelikula ay aminado siyang pressured siya.

“Siyempre, whether teleserye ‘yan or pelikula, hindi mawawala kasi alam mong a lot was invested, alam mong malaking risk, alam mong malaki, hindi biro ‘yung binuong projects na ‘yun para sa ‘yo or para ma-consider ka man lang nila.

“Malaki ‘yun kasi dala-dala mo ‘yung pangalan ng GMA or ng Regal Films ganyan, so hindi mawawala ‘yung pressure, no matter how confident you are, nandoon pa rin ‘yung pressure or kaba lagi,” katwiran ng aktres.

Mahalaga raw ang ratings ng programa kay Carla, “of course nagma-matter sa akin ang ratings, although hindi na ako nagpapa-apekto kung mataas man ‘yan o mababa, consistent man o hindi.

“Kasi rati noong medyo baguhan pa ako, lagi ko pang iniisip ‘yan, hindi ako nakakatulog sa gabi, but then, natutuhan ko so far, the past five years, hindi ko na responsibility ‘yan bilang aktres kasi nag-iisa ka lang. Napakaraming taong involved para mag-rate (programa) o kumita ang isang pelikulal hindi lang iyon nakasalalay sa akin, hindi dapat hayaan na maapektuhan ka. As long as I did my best, I do my part, okay na ‘yun.”

Napag-usapan naman si Tom Rodriguez na leading man ni Carla sa kanyang serye ngayon sa GMA at nakasama niya sa pelikulang So It’s You kung may pag-asa ba sa ginagawa nitong effort na maipadama na gusto siya ng aktor.

“I don’t know, I wouldn’t say, I honestly don’t know kasi wala akong free time, araw-araw akong may trabaho, may taping, so how can I say na it’s goin there kung I don’t have time. At least magkasama kami sa trabaho, ‘ganoon na lang muna,” katwiran ni Carla.

Bukod dito ay hindi naman daw pormal na nanliligaw si Tom kay Carla, pero base naman sa ipinapakita nitong effort sa pag-compose ng kanta at pagsusulat ng mga tula ay, “oo I know he’s getting there (ligaw) kasi there’s nobody naman na ordinary person would just write poems and songs to anybody. Siyempre may something special ‘yun,” pahayag ng dalaga.

“Wow, I’m extremely glad and grateful that he say nice things towards me, hindi naman lahat ng tao napi-please natin, hindi naman lahat ng tao ay napapasaya natin, kaya natutuwa ako kasi may napapasaya ako,” nakangiting sabi ng aktres.

Halos lahat daw ng isinulat ni Tom na tula para kay Carla ay nagustuhan niya at hindi niya masabi kung ano-ano ito sa rami, “kinikilig naman, kasi wala ng gumagawa niyan, kasi ano, sa text, social media, the fact na there’s somebody who writes for you, makes you feel special,”nakangiting sabi ng leading lady nina Jason Abalos at  Matteo Guidicelli sa Somebody To Love.

Kasama rin sina Izza Calzado, Kiray Celis, Isabel Daza, Albie Casino, Manuel Chua, Ella Cruz, Beauty Gonzales, Natalie Hart, Maricar Reyes-Poon, at Jacklyn Jose na mapapanood na sa Agosto 20 mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …