Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk GB at Eric, sobra raw naging ‘close’

00 fact sheet reggeePARANG naka-shot ng tequila ang character actress na si Melissa Mendez sa nakaraang presscon ng Separados na idinirehe ni GB Sampedro at produced nila ni Alfred Vargas para sa 10th Cinemalaya Film Festival na magsisimula sa Agosto 2 hanggang 10 sa CCP main theater.

Sumobra kasi ang daldal ni Melissa ng mga oras na iyon nang tanungin siya kung lahat ng paghihiwalay sa asawa o dyowa ay masakit.

Iba’t ibang klase kasi ng relasyon ang kuwento ng pelikula at isa si Melissa sa tinanong tungkol sa mga nakaraan niya.

“Oo naman, lahat ng relasyon masakit, kasi bawat relasyong pinasok mo gusto mo maging forever, iyon lagi ang mindset mo. May pagkakataon talaga na hindi nagki-click hindi nagiging maayos.

“Nangyari kasi sa akin dati kay Raymond Quiano, kasi sobrang in-love na in-love kami with one another but we had to separate kasi I was pulling him up, he was pulling me down.

080114 GB sampedro eric santos
“So wala siyang foresight o plano sa buhay, parang masaya lang siya kung anong mayroon, kung saan lang siya ihagis ng hangin,” pagtatapat ni Melissa.

Isa pang natanong sa aktres ay ang dating bold actor na si JC Castro na naka-relasyon din ni Melissa kung nasaktan din siya at nagulat ang lahat sa sinabi ng aktres,”hindi kasi niloko niya ako, eh!.

“Pinaasa niya ako, sinabi niya sa national television na pakakasalan niya ako, ‘yun pala tatakbo siya bilang konsehal tapos pinagastos-gastos lang niya ako,” sabay tawanan ang lahat ng nasa presscon.

Hindi pa rin nagpaawat si Melissa at dinugtungan pa ng, ”sobra talaga (siya), siyempre dream na dream ko na makapag-asawa na ako at ang guwapo-guwapo ni JC, kasi ‘di ba, hunk na hunk siya, ang ganda ng puwet, ang ganda ng katawan,” tawanan ulit ang entertainment media.

At nalaman din naming ipininta pala ni Melissa ang butt ni JC dahil nga gandang-ganda siya sa hugis nito at naibenta raw niya nang maghiwalay sila.

Ayon naman kay direk GB halos related sa personal niyang buhay ang ilang kuwento sa pelikula maliban lang daw sa nagkaroon siya sa relasyon ng bading tulad ng ginagampanang papel ni Ricky Davao.

Pero hindi itinanggi ni direk GB na noong panahong depressed siya dahil sa lovelife ay si Erik Santos ang iniiyakan niya dahil nga bestfriend niya ang nasabing singer.

Kaya ang balik-tanong kay direk GB ay gaano sila ka-close ni Erik, ”sobrang close kami talaga,” walang malisyang sagot nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …