Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boyet, Joel, Amy, Rio, at Noni, pasok sa Ikaw Lamang Book 2

00 fact sheet reggeeNAKUHA muli ng Dreamscape Entertainment ang serbisyo ng magagaling na artista para sa book two ng Ikaw Lamang.

Kuwento sa amin ng taga-Dos (na nag-reveal din ng Pangako Sa ‘Yo) tungkol sa mga papasok na characters sa ikalawang yugto ng Ikaw Lamang nina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu.

Si Franco (Jake) magiging si Boyet de Leon, si Samuel (Coco) magiging si Joel Torre, si Isabel (Kim) magiging si Amy Austria, si Lupe (Meryll Soriano) magiging si Rio Locsin, si Calixto (Lester Llansang) magiging si Noni Buencamino.

At dagdag din sina Mylene Dizon, Smokey Manaloto, Arlene Muhlach sa present time bukod kina Coco , Kim, at KC Concepcion.

080114 boyet joel amy rio noni ikaw lamang
Sa madaling salita, babu na ang presence sina Jake, Lester, at Meryll, samantalang Julia ay namatay na sa episode kamakailan at Ronaldo Valdez ay makikita pa rin kahit nahulog na sa bangin ang sinasakyang kotse.

Kaya tuloy-tuloy pa rin ang laban nina Tirso Cruz III, John Estrada laban kay Boyet.

Kaya naman patuloy na inaabangan ang Ikaw Lamang dahil buhay na buhay pa ang supporters ng bawat artista noong araw bukod pa sa magandang kuwento nito.

May kahilingan lang ang ibang nakakausap naming manonood, ” sana bawasan naman ng kasamaan ang kuwento, nakaka-stress panoorin din.”

Anyway, nagbiro kami sa aming kausap na halos lahat ng magagaling na artista ay napunta na sa Ikaw Lamang at isama mo pa ang Sana Bukas Pa ang Kahapon kaya wala ng natira sa ibang unit, ha, ha, ha dahil pawang baguhan ang mga bida at hindi pa rater.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …