Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star Cinema at Summit Media, maraming pang gagawing pelikula

00 fact sheet reggeeNAKAMIT ng Star Cinema ang well-deserved box-office hit sa recent mainstream theatrical release ng She’s Dating The Gangster (SDTG) na pinagbibidahan ng dalawa sa pinakamalaking teen star ng ABS-CBN na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kumita ang SDTG ng P15-M sa first showing day nito at ng maglaon pumalo ito sa takilya ng P100-M limang araw lamang matapos itong magbukas sa mga sinehan at ngayon ay lampas na ng P200-M and still counting ang pelikula ng KathNiel.

Base ang SDTG sa best-selling Pop Fiction Book ni Bianca Bernardinona na may parehong titulo mula sa Summit Media, na nakipag-partner kamakailan sa Star Cinema para sa film adaptations ng matagumpay nitong linya ng Pop Fiction Books gaya ng The Bet ni Kimberly Joy Villanueva, Seducing Drake Palma ni Ariesa Jane Domingo, Three Words, Eight Letters. Say It, I’m Yours ni Jade Margarette Pitogo, at Ang Boyfriend Kong Artista” ni Ella Larena.

072914 kathniel Gangster
Tuwang-tuwa ang Summit Media President na si Lisa Gokongwei-Cheng sa big screen interpretation ni Cathy Garcia-Molina sa sikat na nobela ni Bernardino.

“I find the movie very well done. Nakaiiyak at nakakikilig. I think, even though the book was not followed to the letter, it was improved especially because of the two stories/timelines in the movie,” say ni Lisa Gokongwei-Cheng.

Ibinahagi rin ni Gokongwei-Cheng ang saloobin sa partnership ng Summit Media at Star Cinema, na kasalukuyang nagdiriwang ng ika-20 anibersaryo sa industrya.

“Having the stories of our writers brought to life it is very rewarding for us as a publisher. With the quality of storytelling, acting, and production of the film, we are very happy,” sabi pa.

Idinagdag pa ni Gokongwei-Cheng na lubos na excited ang Summit Media sa mga future endeavor nito kasama ang Star Cinema.

“We are looking forward to the continuous partnership. We, at Summit Media, completely trust Star Cinema to give justice to the books we publish. There are very few film studios that are really good in filmmaking and storytelling. Summit Media’s Pop Fiction being the number one Wattpad publisher and Star Cinema is a good combination.”

Ang SDTG ay isang kontemporaryong Filipino love story para sa ano mang edad. Umiikot ang istorya sa magkakadikit na mga buhay ng isang batang magkasintahan (Kenji at Athena, na ginampanan nina Padilla at Bernardo) na may major unfinished business na dapat nilang i-settle at isang unlikely couple (Kenneth at Kelay, na ginampanan din nina Padilla at Bernardo) na ‘di inaasahang matatalisod sa pag-ibig sa kanilang kanya-kanyang layunin na itama ang mga bagay-bagay para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Hatid ng She’s Dating The Gangster ang tema na maaaring pagtagumpayan ng pag-ibig ang paglipas ng mahabang panahon. Nag-aalay din ang pelikulang ito ng pag-asa sa mga manonood. Pag-asa na hindi nila kailangan pang maghanap sa malayo para sa tunay na pag-ibig dahil maaari namang nasa harapan lamang nila ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …