Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ricky Davao, kinilig sa halik ni Jason (Sanay na ring makahalikan ang mga kapwa lalaki)

00 fact sheet reggeeSI Ricky Davao yata ang may pinakamaraming pelikula sa 10th Cinemalaya Film Festival na gaganapin sa CCP Theater mula Agosto 2-10.

Kasama si Ricky sa Janitor, Marikina, at Separados kaya hindi na nakapagtataka kung manalo siyang Best Actor dahil sa mga ginampanan niyang papel.

Samantala, sa Separados ay gagampanan ni Ricky ang isang closet gay husband ni Melissa Mendez na ang lover ay si Jason Abalos.

Hindi na bago kay Ricky ang papel na bading dahil nakailan na siya at higit sa lahat, sanay na siyang magkaroon ng kahalikang lalaki. Kaya naman natanong ang premyadong aktor kung paano niya ikukompara ang halik ni Jason sa ibang naka-kissing scene niya.

073114 Ricky Davao Jason Abalos
“Iba-iba kasi, ‘yung kay Allan (Paule) sobrang (intense) kasi lover ko siya, kumbaga inaruga ako, inalagaan ko, so ‘yung halikan namin doon, intense, passionate, (naka) take three nga ‘yun, eh.

“Actually, ano nga, kasi ginawa namin ‘yun (kissing scene), nakaburol ‘yung anak ni Allan so ginawa namin, lumabas kami (bahay) at doon namin itinuloy. Hirap na hirap kami, but it shows the professionalism, tapos sabi ko galingan na lang natin kasi hindi papayag si direk Carlitos (Sigueon-Reyna), ayaw kitang halikan ng 20 times, so isa lang ‘yun sa pinagdaanan,” nakangiting kuwento ng aktor.

Ang Lalaki sa Buhay ni Selya na pinagbidahan ni Rosanna Roces ang pelikulang binabanggit ni Ricky na ipinalabas noong 1998.

Ang sumunod ay si Christopher de Leon na pitong beses daw kinunan sa ibang bansa na ang titulo ng pelikula ay American Adobo na idinirehe ni Laurice Guillen taong 2002.

At kay Jason daw ay kinilig siya, “kay Jason, very nagulat ako kasi siya (sumibasib) ‘yung ano, kilig-kiligan nga. Ang hirap ano kilig kasi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …