Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, ire-remake ang Pangako Sa ‘Yo

00 fact sheet reggeeTIYAK na muling matutuwa ang KathNiel fans dahil ang susunod na soap drama nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ang remake ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan nina Jericho  Rosales at Kristine Hermosa na umere noong Nobyembre 2000 hanggang Setyembre 2002.

Nadulas sa amin ang kausap naming taga-ABS-CBN nang makatsikahan namin tungkol sa update ng She’s Dating The Gangster na sobrang saya raw ng mga taga-Star Cinema dahil magaganda ang feedbacks ng pelikula ng dalawang bagets at pinuri nang husto ang acting nina Daniel at Kathryn.

“Ang bilis ng evolution ng acting nina Daniel at Kathryn, parang kailan lang sa ‘Princess and I’, mga hindi marunong umarte, puro pa-cute lang, tapos sa ‘Got To Believe’, nag-improve na tapos dito sa ‘She’s Dating The Gangster’, nakitaan mo na ng serious acting ‘yung dalawa,” masayang sabi sa amin.

073014 kathryn daniel
Nagkatoon daw kaagad ng meeting ang creative department ng Star Cinema para bigyan ng follow-up movie sina Daniel at Kathryn na ang magdidirehe ay mismong si Ms Olive ‘Inang’ Lamasan.

“Eh, alam mo naman kapag si Inang, drama-drama ‘yan na may pagka-comedy ng kaunti kaya ‘di ba, made na talaga sina DJ at Kath,” pahayag pa.

At habang nagkukuwento tungkol sa SDTG ay nabanggit na, “alam mo ang next soap na gagawin nina Daniel at Kahtryn, remake ng ‘Pangako Sa ‘Yo’ nina Jericho at Kristine.”

At talagang nanlaki ang mga mata namin Ateng Maricris dahil alam mo naman kung gaano kaganda ang Pangako Sa ‘Yo at tiyak na ang supporters ng KathNiel ang lubos na maliligayahan.

“Next year ang ‘Pangako Sa ‘Yo’, Reggee, pati ang follow-up movie,” say sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …