Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miles, Ina, at Alyanna, may happy ending na handog sa Wansapanataym

00 fact sheet reggeeWicked But Happy Ending ang handog nina Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles sa TV viewers sa Linggo para sa huling episode ng Wansapanataym Presents Witch-A-Makulit.

Sa kabila ng kanilang kasiyahan sa mundo ng mga mangkukulam, magsisimula nang mangulila sina Krystal (Miles), Jade (Inah), at Emerald (Alyanna) sa kanilang ama na si Pinong (Benjie Paras) na naiwan nila sa mundo ng mga tao.

Ano ang gagawin ng magkakapatid upang muling makita ang kanilang tatay lalo na ngayong ipinagbabawal ito ng kanilang lola?

072514 wansapanataym inah miles alyanna

Sa huli, mapagkakasundo ba nila Krystal, Jade, at Emerald ang mga tao at lahing mangkukulam?

Bahagi rin ng Witch-A-Makulit sina Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, Jon Lucas, CJ Navato, Nina Dolino, at Chienna Filomeno. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at idinirehe ni Lino Cayetano mula sa Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …