MABILIS namang kumalat na sa ABS-CBN daw lilipat si Aljur Abrenica kaya siya nagpapa-release sa GMA 7 dahil may mga paramdam na raw.
Bagamat mabilis itong itinanggi ng aktor nang makatsikahan namin siya sa Hall of Justice ng Quezon City Regional Trial Court noong Miyerkoles ng hapon ay marami pa rin ang naniniwalang baka nga raw may offer.
Nagtanong naman kami sa mga bossing ng ABS-CBN at iisa ang sagot nila, “hindi papasa si Aljur sa ABS dahil sa acting niya, baka nagpapa-release lang para maging available for ABS.”
Baka naman sa TV5 lilipat si Aljur para makasama ang kapatid na si Alvin Abrenica na bilang lang ang programa.
Naloka kami sa sagot ng taga-TV5, “ano gagawin namin sa kanya?”
Tsika naman sa amin na gustong sundan ni Aljur ang yapak nina JC de Vera at Paulo Avelino sa Dos.
Ang alam namin ay tinapos ni JC ang kontrata niya sa GMA 7 at TV5 bago siya nag-ABS-CBN at si Paulo rin sa Kapuso Network.
Base rin sa nakuha naming tsika sa mga taga-GMA 7, “anyare? Isa ka sa paborito ng GMA, alam mo ‘yan, pero hindi mo nabibigyan ng pansin.
“Ang dapat mong bigyan ng pansin ang pag-arte mo, ayaw mong mag-workshop, pinagwo-workshop ka. Kung ano-ano inuuna mo. Nakakalungkot na humantong ka sa desisyong ito.”
Ayay!
ni Reggee Bonoan