Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Final Four, may plano na sa Camella House na mapapanalunan

00 fact sheet reggeeNAPILI na ang Final Four sa The Voice Kids na sina Darren, Lyca, na si Sarah Geronimo ang voice coach, samantalang si Darlene ay kay coach Leah Salonga, at Juan Karlos kay coach Bamboo.

Mapapanood ang grand finals ngayong Sabado, Hulyo 26 at Linggo, Hulyo 27 kaya naman kabado na ang apat na bagets kung sino sa kanila ang tatanghaling unang grand champion ng Voice Kids.

Samantala, trending sa social media ang mga sinabi nina Darren, Lyca, Darlene, at Juan Karlos sa kagustuhan nilang mapanalunan ang bahay na handog ng Camella Homes mula sa VistaLand chaired by Sen. Manny Villar at kung ano ang gagawin nila sa premyong ito.

072414 The Voice Kids PH

Ayon kay Darlene, “’pag nanalo po ako ng bahay sa Camella Homes, palalagyan ko kuwarto ko ng Hello Kitty at kuwarto naman ng ate ko, palalagyan ko ng wallpaper ng crush niya.”

Nakakuha ng 2,633 likes at 189 comments ang post na ito ni Darlene sa kayang FB account.

Si Lyca naman, “’pag nanalo po ako ng bahay sa Camella, roon po ako magbi-birthday at magse-celebrate sa loob ng bahay.”

Nakakuha naman ng 61 likes at 896 comments ang batang taga-Cavite na inihalintulad kay Ms. Nora Aunor.

Samantalang si Darren naman, “kapag nanalo ako ng bahay sa Camella ay ise-set up ko po ‘yung room ko at invite ko friends ko para mag-swimming kami.”

Nakakuha naman ng 3, 622 likes at 659 comments.

At ang pang huli na si Juan Karlos ay, “’pag nanalo ako ng bahay sa Camella, gagawin kong color white ‘yung kuwarto ko, favorite color ko po kasi white.”

Nakakatuwa ang mga batang ito dahil may kanya-kanya silang pangarap sa bahay na mapapanalunan nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …