Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie nina Dawn at Goma, pinamamadali (Dahil nabitin sa She’s Dating The Gangster)

00 fact sheet reggeeHAYAN dahil maraming nabitin sa eksena nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa pelikulang She’s Dating The Gangster ay nakatanggap kami ng mga mensahe na sana raw ay may full length movie ang dalawa.

Nakatutuwa Ateng Maricris dahil all these years ay buhay na buhay pa rin pala ang supporters nina Goma at Dawn maski na may mga asawa na sila at ang nakatutuwa rin naman sa tambalang ito, suportado rin sila ng kanilang mga asawa.

Hindi katulad ng ibang dating magka-love team na pinaiiwas na ng kanilang mga asawa dahil alam mo na.

Anyway, sabi sa amin ng mga nag-text na kung puwede raw ay isulat namin ang kanilang request na bigyan ng pelikula sina Richard at Dawn dahil tiyak na maraming supporters na matutuwa at masisiyahan na muli silang makita sa malaking telon.

072214 richard dawn

Sabi namin ay baka naghahanap pa ng tamang materyal kasi as of now ay sina Richard at Gretchen Barretto ang magkasama sa pelikula na pagbibidahan ni John Lloyd Cruz kasama sina Jessy Mendiola at Sylvia Sanchez na ididirehe ni Chito Rono for Star Cinema.

Banggit pa namin na tiyak na nakita rin ng Star Cinema bosses ang kilig kina Goma at Dawn sa She’s Dating The Gangster kaya malamang na may plano na sila.

Sa kabilang banda, kompirmadong naka-P100-M na ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa loob ng limang araw lang at nagdagdag pa ng sinehan at partida, walang tigil ang ulan lalo na sa gabi at exams week pa ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …