Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, ang galing-galing sa She’s Dating The Gangster (Sarah, ‘di na solo ang magpakilig at magpa-cute na papel)

00 fact sheet reggeeSOBRANG natuwa, kinilig, at naiyak kami sa pelikulang She’s Dating The Gangster Ateng Maricris, kaya kailan mo ipanonood ang mga bagets mo na nakatitiyak kaming magugustuhan nila dahil ang galing-galing nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama na rin ang ibang cast na naalala namin ang kapanahunan ng pelikulang Bagets ni Aga Muhlach.

Isa pang gustong-gusto naming eksena ay ang pagtsi-cheer ni Kath sa eksenang naglalaro ng basketball si DJ ng, ”go, go, go sexy, go sexy, my sexy love” dahil halos lahat ng nakasabayan naming nanood ay ito na ang sinasabi habang papalabas kami ng sinehan. At na-LSS kami talaga hanggang pag-uwi at habang tinitipa namin ang kolum na ito, ha, ha, ha.

In fairness, ang galing ni Kathryn magpa-kilig, magpa-cute, at mag-drama kaya hindi na solo niSarah Geronimo ang mga ganitong klaseng papel sa mga pelikulang ginagawa niya.

Kaya kailangan ng mag-level up ni Sarah sa mga ganitong papel niya sa pelikula buti na lang at iba naman ang ginagawa niya ngayon sa telebisyon dahil isa siya sa hurado ng The Voice Kids at sa pagbabalik ng The Voice na malaking tulong sa kanya dahil naging ka-level niyang bigla sina Bamboo at Lea Salonga.

072014 kathniel
Sa mga ganitong klaseng papel din naman nagsimula si Toni Gonzaga na nakilala bilang komedyana sa mga naunang pelikula niya kasama si Sam Milby at nag-level up na rin dahil mature role na ang ginampanan niya sa Starting Over Again na idinirehe naman ni Olive Lamasan.

Naniwala kami sa sinabi ng direktor ng pelikula na si Ms Cathy Garcia-Molina na nag-improve talaga ang acting nina Daniel at Kathryn na nakitaan na niya sa Got To Believe pero hindi niya ini-expect na marami pa pala siyang mahuhugot pa.

Tanda naman namin na magaling talaga sa drama si Kathryn at si Daniel naman ay may pagmamanahan dahil parehong artista ang magulang na sina Rommel Padilla at Karla Estrada at mga tiyuhing tulad nina Robin Padilla at ang dating Rustom Padilla na si BB Gandanghari.

May lalim sa pag-arte si Daniel kaya para sa amin ay isa na siyang aktor dahil hindi lang pagpapa-cute, pagpapa-kilig, at pagiging maangas ang alam niyang gawin dahil puwede rin pala siyang magpaka-seryoso.

At marunong naman palang sumayaw ang batang aktor dahil talagang napasayaw siya ni direk Cathy nang mag-disco sila ni Kathryn.

Ang alam namin ay ayaw na ayaw ni Daniel na sumasayaw siya dahil nga katwiran niya, walang Padilla na sumasayaw, oo nga naman, ayaw nina Robin at Rommel.

May tatak talaga si direk Cathy sa mga pelikula niya na kailangan magsuot ng wig tulad ng ginawa kina DJ at Kath na may isang eksena pa na naging kamukha ng direktor ang batang aktres nang magpa-igsi ng buhok.

Nakabibitin ang eksena nina Richard Gomez at Dawn Zulueta dahil ilang beses lang sila ipinakita na talagang may kilig pa rin kahit may kanya-kanya na silang pamilya.

At sa mga manonood ng pelikula ay magdala kayo ng isang box ng tissue dahil tiyak na kukulangin ang panyo ninyo sa kaiiyak.

May cameo role si JM de Guzman at in fairness, kamuntikan namin siyang hindi nakilala, ang guwapo-guwapo niya ngayon, fresh na fresh, sana mabigyan ulit siya ng project ng ABS-CBN atStar Cinema.

As of Thursday ay almost P30-M daw ang kinita ng SDTG say mismo ng taga-Star Cinema.

Naitanong din namin na ang unang kuwento sa amin ay P20-M ang kinita sa unang araw, samantalang P15-M lang pala, ”noong nagtanong ka kasi (Huwebes) ng 7:00 p.m., lampas P10-M na, normallu, dodoble iyon ‘pag last full show na kaya P20-M.

“Pero siguro dahil walang Robinsons at takot pa ang mga tao mag-last full show kaya hindi umabot, pero normall halos doble kaya sabi ko, halos P20-M.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …