Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

She’s Dating The Gangster, naka-P20-M sa opening (Kahit may bagyo at walang koryente)

00 fact sheet reggeeBAGAMAT binabayo ng malakas na hangin ng bagyong Glenda ang buong Metro Manila noong Miyerkoles ay kumabig pa rin ng P20-M ang pelikulang She’s Dating The Gangster nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kuwento sa amin ng taga-Star Cinema, “naka-P20-M sa opening day ang She’s Dating The Gangster, wala pa ang mga Robinson Cinemas dahil sarado sila noong Wednesday.”

Sa madaling salita ay pareho lang sa opening day ng Maybe This Time nina Coco Martin at Sarah Geronimo.

“‘Pag nagbukas ang Robinson’s ay mas hihigit pa,” mabilis na sagot sa amin.

Sabagay, ilang theaters din mayroon ang Robinson’s Mall.

071914 kathniel
Mukhang hindi naman padded ang binanggit sa aming figures dahil  maski na maraming punong nagtumbahan sa mga daanan ay hindi naging dahilan para hindi dayuhin ng KathNiel supporters ang She’s Dating The Gangster at maski na sarado pa ang malls ay nakaabang na sila sa pagbubukas nito.

Nasa bahay lang kami noong Miyerkoles pero naka-monitor kami base na rin sa mga padalang mensahe ng KathNiel fans bukod pa sa naka-post din sa social media ang mahabang pila sa sinehan tulad sa SM North, Market! Market! Megamall, at Gateway cinemas.

Maging ang katotong Allan Sancon na nasa Fisher Mall noong Miyerkoles ng gabi para manood ng She’s Dating The Gangster kasama ang nanay niya at sinabi sa amin, “puno ate, maski last full show pa.”

Walang koryente ang buong Metro Manila at sa suspendido pa ang klase kaya siguro nagpuntahan ng malls ang lahat para magpalamig at manood na rin ng sine noong Miyerkoles.

Talagang pinanindigan ng supporters nina DJ at Kath ang sinabi nilang, “hindi po kami nangangako, pero susubukan naming maabutan ang P430-M nina Piolo (Pascual) at Toni (Gonzaga), sobrang pressure naman kayo, @bonoanbangus.”

Maski sa premiere night noong Martes sa tatlong sinehan sa Megamall na sponsored daw ng ABS-CBN Mobile at Toppo bukod sa Star Cinema ay puno lahat at maski na nagparamdam na sa Metro Manila ang bagyong Glenda ay hindi pa rin napigilan ang pagsugod ng KathNiel supporters kaya aminado ang mahigit sa 100 guardia ng Megamall bukod pa sa sariling marshalls ng ABS-CBN na nahirapan sila dahil sa rami ng tao, bata at matanda ay talagang nakipagsiksikan.

Grabe ang ipinakitang suporta ng fans nina Daniel at Kathryn dahil hindi nila inisip ang kanilang kapakanan sa gitna ng bagyong Glenda.

Kaya naman panay ang pasalamat at pagsasabing ‘mag-ingat po kayo’ nina DJ at Kath sa kanilang fans.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …