ON and off ang koryente sa lugar namin noong Miyerkoles ng gabi kaya hindi namin natutukang panoorin ang mga seryeng Dyesebel, Ikaw Lamang, at Sana Bukas Pa Ang Kahapon kaya nagtataka kami kung bakit maraming nagsabing ‘replay’ daw lahat.
Noong una ay hindi namin pinansin ang mga tanong sa amin pero sa kabilang banda ay nagtanong na rin kami sa taga-Dreamscape Entertainment kung bakit nag-replay ang dalawang serye pero hindi kami sinagot.
Kaya’t si Biboy Arboleda, Adprom Head ng nasabing unit na lang ang tinext namin tungkol dito at kaagad namang nag-textback.
“Regg, it was highest management decision, kasi masasayang lang ang original episode tonight na pinaghirapan tapos walang masyadong makakapanood dahil sa power outage all over.
“Kaya kapag doon (management) manggagaling ang decision, doon din manggaling ang instructions, trust me, walang manonood tonight as in siguro 30 percent lang ng buong bansa ang may koryente,” paliwanag mabuti sa amin ni Biboy.
Tinanong namin kung paano ang finale ng Dyesebel (kagabi) at kung magiging dalawang episode ang ipalalabas dahil nga hindi umere ang pang-Miyerkoles.
“Inaayos now, Regg, bukas (kagabi), it’s original na all the series pati finale ng ‘Dyesebel’ sa Friday ay original,” mensahe sa amin.