Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-amin ni Fifth bilang bisexual, nag-trending

071814 FIFTH pagotan PBB

ni Roldan Castro

BAGAMAT naiinis kami at turned off sa pagiging sensitive at  mapag-react ni Fifth sa Pinoy Big Brother, nabura ‘yun sa pagpapakatotoo  niya at buong tapang niyang sinabi na, ”Hindi ako straight. Bisexual ako.”

Pero bakit kay Manolo Pedrosa siya nagtapat? Bakit hindi na lang sa pag-uusap nilang magkapatid na si Fourth o diretsahang sinabi niya kay Kuya?Trending sa Twitter ang pagpapakatotoo ni Fifth sa hashtag na #PBBAcceptOrDeny ,  #RespectFifth, #BeOutAndProud at Go Fifth.

Kahit si Vice Ganda ay puring-puri sa Twitter World si Fifth. Tweet niya:

“Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng aminin ni FIFTH na sya’y BISEXUAL. Naapektohan ako. Ang tapang ng batang to. Hangang hanga ako! #PBB

“‘Wag kang magalala FIFTH hindi ka nagiisa. Maraming tulad mo. Walang dapat ikatakot. Mangunguna na ko para suportahan ka!

“Kung pwede lang akong pumasok ngayon sa PBB house para yakapin si FIFTH at ipadama sa kanya ang paghanga ko. Kay tapang mo! #BeOutAndProud”

Yes, humanga talaga kami sa katapangan ni Fifth. Nabura lahat ang kanegahan na impresyon namin sa kanya. Buti si FIFTH matapang na inamin ang gender. Hindi gaya ng mga aktor diyan na nakatago pa rin sa aparador at nagpapakalalaki kuno.

Dati si Rustom Padilla ang umamin… Ngayon ay si FIFTH ang nag-out. Ipasok na rin kaya ni Kuya sa bahay niya ang isang actor at baka sakaling magladlad na rin siya sa bahay niya?

Sa umpisa ng PBBallin ay nasulat na namin na may bading sa PBB. Matagal na naming naririnig ang chism sa kakambal ni Fourth. Nagsisimula pa lang sila sa showbiz ay kilala na namin sila bilang miyembro ng Dance Squad Singers. Naging contestant din si Fifth (Bobby Solomon) sa GMA-7 na Are You The Next Big Star ng GMA 7 noong 2009 na naging champion si Geoff Taylor.

Deklara  rin ni Fifth sa PBB House sa puna na para siyang bakla kung magreklamo: ”Nakaka-apekto pa rin. Ayokong aminin na hindi. Nakakaapekto siya, masakit siya, pero minsan, titiisin mo na lang. I don’t need to explain myself to them. Lagi ko na lang bang ipaliliwanag sarili ko? Hindi, kasi kilala ko ang sarili ko.As long na totoo ako sa sarili ko, at totoo ako sa pinapakita ko sa mga tao sa paligid ko, masaya na ako roon. I don’t need to explain myself to them.”

Nagmarka rin ang sinabi niyang, ”Kung iibig po ako hindi ko po iisipin ‘yung hitsura at sexualidad niyong tao.”

Natatakot si Fourth sa rebelasyon ng kanyang kakambal sa national television pero kung mababasa niya ang mga komento sa Twitter world, magiging proud siya sa kapatid dahil marami ang sumasaludo at sumusuporta . Ang importante naman ay ‘wag maging pasaway at maging mabuting tao si Fifth. Bukod dito, talented siya kaya marami siyang magagawa sa outside world na malaya ang kanyang pagkatao.

Ang bawas-bawasan lang ni Fifth ay ang pagiging sensitive, mapag-react, emotional dahil nagpapanega sa kanya ‘yun. Dapat ay lovable palagi.

Pangaralan mo Big Brother!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …