Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Liza, pinagpipilian para kay Enrique

00 fact sheet reggeeTRULILI kayang may youngstars na pinagpipilian ngayon na permanenteng makaka-love team niEnrique Gil?

Nadulas sa amin ang taga-Star Magic na pinagbobotohan daw ngayon ng mga boss kung sino kinaJulia Barretto at Liza Soberano at may isa pa raw. (Baka kasama si Janella Salvador sa pinagpipilian?—ED)

Hindi ba kuntento kina Julia at Liza, ”para maging permanente like Daniel (Padilla) and Kathryn (Bernardo). As of now kasi sina DJ at Kath lang talaga ang permanenteng love team.

“Halos lahat iba-iba na, like si Sarah (Geronimo), before it was John Lloyd (Cruz) lang ang love team, naging Gerald Anderson, then si Coco Martin na rin.

071814 Enrique Janella liza julia
“Same thing with Bea (Alonzo), before it was Lloydie rin lang, pumuwede pala siya kay Dingdong (Dantes).

“Si Kim Chiu naman though my Coco sa ‘Ikaw Lamang’, hinahanap pa rin siya with Xian Lim, but heto, marami pa ring nag-aabang sa tambalang Kim at Gerald, huh.

“Kaya si Enrique, hinahanapan din ng permanente na, nasubukan na sila ni Julia sa serye (Mira Bella), now si Liza naman sa movie, dapat may isa pa para makita kung sino ang malakas for Enrique.”

Heto ang nakakatawa ateng Maricris, may ilang katoto na okay naman daw sina Julia at Liza para kay Quen, kaya huwag ng maghanap pa ng iba.

May nagsabi naman na hindi bagay si Liza kay Enrique, mas bagay daw kay Enchong Dee na napanood niya sa Maalala Mo Kaya.

Naku, ayaw ni Erich Gonzales ng ganyan may movie sila ni Enchong, Once A Princess mula sa direksiyon ni Laurice Guillen na isang dark passion story.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …