Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, sinuportahan ng fans kahit bumabagyo

00 fact sheet reggeeBUONG-buo ang suporta ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ginanap na premiere night ng She’s Dating The Gangster noong Martes ng gabi dahil sa tatlong sinehan ito ipinalabas.

Sitsit sa amin ng ilang supporters ng KathNiel, ”excited po kami Ms Reggee kasi tatlong sinehan ang premiere night ng ‘She’s Dating The Gangster’ at least marami kaming fans na makakapasok at makakapanood.

“Alala po kami kasi baka hindi ma-accommodate ‘yung iba kasi limited seats lang, kaya nakakatuwa po kasi tatlong sinehan. Sana nga po matupad ang sinabi n’yo na malampasan namin ‘yung P430-M ng ‘Starting Over Again’.”

071814 kathniel
Nagtanong kami sa taga-Star Cinema kung ngayon lang nangyari sa kanila na tatlong sinehan ginanap ang premiere night ng pelikula nila.

“Yes, but only because the two cinemas are sponsored/branded,” sabi sa amin ng isa sa bossing ng nasabing movie outfit.

Inamin din ng kausap naming taga-Star Cinema na na-pressure rin daw sila sa sinasabi naming posibleng maungusan nga ng SDTG ang SOA.

Ha, ha, ha ha, naaliw kaming bigla.

Sa tingin mo ateng Maricris, malalampasan nga ba ng She’s dating The Gangster ang Starting Over Again?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …