Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sana Bukas Pa Ang Kahapon tinalo ang Dalawang Mrs. Real

00 fact sheet reggeeAPAT na gabi na naming napapanood ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na talagang susubaybayan mo dahil nagtayo na rin ng sariling chocolate house si Bea Alonzo bilang si Emmanuel sa gusali na nakapuwesto ang coffee/chocolate shop Patrick (Paulo Avelino) at Sasha (Maricar Reyes).

Planong paghigantihan ni Rose na nagtatago sa katauhan ni Emmanuel kaya siya nagbukas din ng chocolate house, ang kaso iba naman ang sinasabi niya kay Ms. Susan Roces sa sinasabi ng puso niya dahil nawawala ang galit niya kapag nakikita ang lalaking una niyang minahal.

Ang ganda na ng istorya ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon kaya naman hindi kataka-takang makakuha ito ng 20.4% sa national TV rating ng Kantar Media kompara sa programang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7 na nakakuha naman ng 12.6% mula naman sa AGB Nielsen.

053114 Paulo Avelino bea alonzo
Dumalaw kami sa ospital kahapon at ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang pinapanood ng mga pasyente at bantay nila at iisa ang narinig naming komento, “ang ganga-ganda ni Bea, fresh na fresh, suwerte ni Paulo, may halikan sila.”

Ano naman kaya ang masasabi ni Richard Poon sa komento tungkol sa asawa niya, “ang chaka (pangit) ni Maricar, maldita talaga, ganyan kaya talaga siya?”

At kay Dina Bonnevie, “ang taba-taba ni Dina, mas mukha pa siyang matanda kay Susan (Roces).”

Si Albert Martinez naman, “parang iisa acting ni Albert.  At ang guwapo pa rin niya.”

At si Paulo, “ganyan kaya siya sa totoong buhay, kalmado lang?  Sayang, may Zanjoe (Marudo) na si Bea, bagay din sila. Pero okay na rin si Zanjoe.”

Natawa kami sa sinabi ng pasyente, “kung ako kay Albert, rereypin ko si Bea, asawa ko siya ‘no, malay ni Bea mas magaling pala si Albert kay Paulo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …