Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erik, pumunta ng Amerika para dalawin si Rachelle Ann at manood ng Miss Saigon

00 fact sheet reggeeKASALUKUYAN palang nasa Amerika si Erik Santos na hindi namin alam kung may show siya o sinadya niyang dalawin ang babaeng minsang niligawan niya, si Rachelle Ann Go at para manood ng Miss Saigon.

Base mga post ni Erik na pictures nila ni Rachelle sa tabi ng telephone booth, at magkatabi sila sa isang sasakyan at may caption na, “So happy to be with my Princess Ariel again @gorachelleann. See you in Saigon tomorrow.#soexcited”

Ang tanong, hindi kaya magselos si Angeline Quinto ngayon na panay ang pa-interview na super close sila ngayon ni Erik at nagsasabihan pa ng ‘I love you?’ na ayon sa Queen of Teleserye Theme Songs ay gusto niya na ang binatang singer ang mag-confirm kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon.

071214 erik rachelle ann
Tinext namin si Erik tungkol dito pero hindi kami sinagot at nalaman nga namin na nasa Amerika siya.

Kilalang selosa si Angeline kaya gusto naming malaman kung ano ang reaksiyon niya kapag nalaman niyang magkasama sina Rachelle Anne sa Amerika.

Hmm, teka, hindi kaya sinadyang puntahan ni Erik si Rachelle Ann para testingin kung may pagtingin pa siya rito dahil nga minsang niligawan niya ang dalaga pero hindi niya itinuloy kasi nga nakiusap ang kaibigan niyang si Christian Bautista na gusto rin niyang manligaw na naging girlfriend niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …