INAMIN ni Direk Wenn Deramas na ibang pelikula ‘yung gagawin nina Vice Ganda at Daniel Padilla kasama si Kathryn Bernardo at ang Praybeyt Benjamin 2.
Usapan kasi rati na magsasama sina Vice at Daniel para sa Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema at Viva Films ngayong 2014.
“Hindi, eh, kasi hindi umabot at saka hindi pa rin namin maisip kung anong kuwento. Super hero ang concept niyon,” katwiran ni direk Wenn.
Kaya sina Vice at Richard Yap daw ang magkasama sa Praybeyt Benjamin 2.
May nakatsikahan din kaming taga-ABS-CBN na walang entry ang KathNiel sa MMFF dahil nga may She’s Dating The Gangster na ang dalawa na ipalalabas na sa Hulyo 16.
Dagdag sitsit pa na nahahati raw kasi ang kita kapag MMFF kaya mas mainam na lang daw na huwag na lang.
Sabagay, ito rin ang nabanggit sa amin ni direk Cathy Garcia-Molina nang makatsikahan namin ng solo na maraming kalaban ang Pagpag nina DJ at Kath noong nakaraang MMFF 2013.
At tiyak na matutuwa sina Daniel at Kathryn dahil nominado ang Pagpag bilang best picture sa 62nd Famas na gaganapin sa Hulyo 13.
Sayang, nag-e-expect pa naman ang fans ng KathNiel na may entry sila ngayong MMFF 2014.