Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris TV, katakot-takot na sorpresa ang hatid

00 fact sheet reggeeSA pagdiriwang ng ikatatlong anniversary ng Kris TV ngayong Hulyo ay may sorpresang hatid sa mga Kapamilya ang morning talk reality program—tripleng EXCITEMENT, tripling EXCLUSIVES, tripling EXPERIENCE!

Panibagong milestone sa Philippine TV ang magaganap sa pagbisita ni Kris Aquino sa Dumaguete at Siquijor kasama ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda na kikilalanin ang mga Kapamilyang naninirahan doon at aalamin kung paano nila napananatiling buo ang kanilang kultura. Ipakikita rin ang kagandahan ng probinsiya at buburahin ang negatibong impresyon tungkol sa Mystical Island.

Kasabay naman ng Asia Rainbow TV Awarding sa Macau na itinanghal ang Queen of All Media bilang Outstanding Program Hostess ay lilibutin nina Kris at Melai Cantiveros ang naturang lugar at titikman ang iba’t ibang authenthic Macanese cuisine. Magiging bahagi rin ng espesyal na Kris TV Asian Adventure ang ibang Kapamilya roon.

071014 kris aquino
Para sa ikatlong leg ng EXCITING adventure, lalakbayin naman nina Kris at Pokwang ang pinakamalaki at most culturally significant city sa northern Thailand, ang Chiang Mai.

Isang masarap na pagsasalo naman ang magaganap sa tahanan ni Kris kasama sina Carmina Villarroel-Legaspi, Pokwang, at Judy Ann Santos-Agoncillo na maghahanda ng kanya-kanyang specialties para sa mga loyal Kris TV viewers.

May talk at musical special para ipagdiwang ang buhay at pag-ibig kasama ang Phenomenal Box-office star na si Vice Ganda. Another first on Kris TV, sasamahan ni Angel Locsin si Kris sa paghahanap ng budget-friendly na kainan hanggang high-end dining destinations sa metropolis.

Imbitado ang 300 Kapamilya viewers mula sa tatlong (3) main island group ng bansa—Luzon, Visayas, at Mindanao, sa isang grand family fun day. Ang mapipiling pamilya ay makikipagsaya sa pinakamalaking amusement park ng bansa, ang Enchanted Kingdom, free admission at exclusivAMe sa Kris TV.

Simula noong Lunes, Hulyo 7, times three ang inspiration, times three ang discoveries, times three ang love. Sa pagpapatuloy ng kakaibang adventure at experience at Kris TV is 3!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …