Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, kaya nang lamunin ni Arjo sa eksena (Walang kaso kung bading ang anak)

00 fact sheet reggeeHANGGANG tenga ang ngiti ni Sylvia Sanchez kapag nakaririnig na pinupuri ang anak niyang si Arjo Atayde na kasama sa Pure Love dahil magaling daw umarte at napakanatural pati sumagot ay may laman.

Kaya hindi raw malayong hindi ito sisikat nang husto. ”Aba’y okay naman kung sumikat siya, siyempre, nakaka-proud talaga bilang magulang niya, sino ba naman ang nanay na hindi masaya sa mga naririnig na puri sa anak. Gusto ko nga tumaas siya kaysa akin, mas gumaling siya kaysa sa akin,” ito ang sabi sa amin ni Ibyang nang makatsikahan namin siya pagkatapos ng presscon ng I Heart You 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving na ginanap sa Dolphy Theater.

Natawa kami sa kuwento ng aktres kapag nag-uusap daw silang mag-ina, ”Naku, niloloko nga ako minsan ni Arjo, sabi niya, ‘ma, kapag may show tayo at magka-eksena tayo, lalamunin kita, kaya galingan mo, mag-aral kang mabuti.’

“Sagot ko naman, ‘hoy, anak lang kita, sa akin ka nanggaling, ako ang molde mo,”kuwento ni Sylvia.

070214 sylvia arjo

WALANG KASO KUNG BADING SI ARJO — IBYANG

Samantala, tawang-tawa pa si Ibyang sa tsikang ‘bading’ daw si Arjo dahil pinag-uusapan daw ito ng dalawang gay Dj’s sa radyo.

“Hindi naman ako affected kung bading si Arjo kasi kung totoo nga na isang araw magsabi siyang, ‘ma, I’m gay’ hindi ako magagalit, papupuntahin ko siya ng Amerika at mag-aral siya ng pagde-design o pagme-make-up kasi sisikat siya kapag iyon ang naging career niya.

“Walang kaso sa akin kung bading ang anak ko, sanay ako sa bading, lahat ng kaibigan ko, bading at tomboy, I love them, kaya kung isa sa anak ko, gay din, tatanggapin ko,” katwiran ng aktres.

Samantala, ang tsikang bading si Arjo ay nagsimula sa isang programa sa radyo sa pamamagitan ng blind item na pinagkukuwentuhan daw ng dalawang bading na dj na isang aktor na may serye ngayon na madalas magpapunta ng gay friends sa bahay nila at doon sila naglalandian o kung ano pa man.

“Hindi ko naman narinig ‘yun, ikinuwento lang sa akin kaya deadma ako at in case na narinig ko nga, deadma pa rin kasi hindi naman talaga totoo.

“Si Gela (pangatlong anak) nga, bigla na lang nagsabi, ‘dream come true’ raw na may gay friend siya. Ganoon ang mga anak ko, hindi sila ilag sa bading,” pagkukuwento pa ng aktres.

Sa kabilang banda, kakanta pala si Sylvia sa pasasalamat concert na may titulong I Heart You 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hulyo 25, Biyernes, 8:00 p.m..

“Bakit ayaw mo?” tanong sa amin ng ka-loveteam ni Lito Pimentel. Nakagugulat naman kasi na kakanta si Ibyang sa isang concert, ”pakinggan mo kasi tatlong kanta ako,” tumatawang sabi ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …