Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bimby, aware na may kapatid at ibang anak pa si James

00 fact sheet reggeeMAY pasabog si James Yap kay Anthony Taberna sa programang Tapatan ni Tunying dahil finally, inamin na niyang may anak na siya bago si Bimby.
Matagal ng tsismis ito, pero hindi ito kinompirma noon ng basketbolista sa publiko at maging si Kris Aquino ay hindi rin binanggit noong panahong nagsasama pa sila hanggang sa maghiwalay na.

At ngayong opisyal nang inamin ni James ay kinunan namin ng komento si Kris tungkol dito kahapon thru text message.

“Reg, nagpapa-annul palang kami, issue na ito, I don’t want to comment kasi hindi ko naman kailangang pag-usapan at life ni James para pag-usapan ako,” katwiran ng Queen of All Media.

At sa tanong namin kung alam ni Bimby na may kapatid siya sa ama.

“Regarding Bimb, I told him when he was five (5) and could understand na. No big deal naman for Bimb,” sabi pa sa amin.

070414 James Yap Bimby

Marahil ay natunugan pa ng TV host/actress na may ibang isyu pa kaming itatanong at nagkuwento na lang siya kung kailan magsisimulang mag-shooting si Bimby ng Praybeyt Benjamin kasama si Vice Ganda produced ng Viva Films at Star Cinema.

“Bimb will start to shoot at the end of July ng ‘Praybeyt’, push natin ha,” lambing sa amin.

Dagdag pa, “ako naman, I’ll be shooting ‘Feng Shui’ on August 12 kasi that’s lucky according to Feng Shui.”

Hindi talaga kami binigyan ng chance na magtanong pa dahil pati ang sinigang ni Judy Ann Santos ay ikinuwento rin.

“Grabe, the best sinigang ever na natikman ko, super sarap talaga, walang sinabi ang mga hotel-hotel na ‘yan. Mas masarap pala ang yellow salmon (kaysa pink) at nabibili lang daw sa Shopwise. Papabili nga ako,” kuwento ni Tetay.

At biglang sabi ni Kris ng, “dedma sa lahat ng isyu, super ignore.”

Speechless na lang kami.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …