Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kabaitan ni Julia, gagawing panangga sa kasamaan

00 fact sheet reggeeKAGANDAHAN ng kalooban ang pananaigin ng karakter ni Julia Barretto sa pagtatapos ng top-rating Primetime Bida fantaserye ng ABS-CBN na Mirabella sa  Biyernes (Hulyo 4).

Mas iinit ang mga tagpo sa huling linggo ngayong mapatutunayan na sa lahat na si Mira (Julia) ay tunay na anak ni Alfred (James Blanco). Paano aayusin ni Mira ang problema ng kanyang pamilya ngayong patuloy pa rin ang masasamang plano nina Olive (Mylene Dizon) at Iris (Mika dela Cruz) laban sa kanya?

Maituturo niya ba sa mga ito ang importansiya ng kabutihan ng isang tao kaysa panlabas na kaanyuan?

070214 julia b

Sa huli, sino nga ba ang makapag-aalis ng sumpang namana ni Mira (Julia) kay Daisy (Dimples Romana)—si Alfred na naging dahilan ng kanyang paghihiganti, o ang tunay na umiibig sa kanya na si Jeremy (Enrique Gil)?

Ang Mirabella ay mula sa direksiyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan mula sa Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang The Beautiful Ending ng Mirabella ngayong Biyernes na, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Mirabella bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa saFacebook.com/MirabellaOnline at Twitter.com/MirabellaOnline.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …