INAMIN ni Alex Gonzaga na siya ang cause of delay ng taping ng Pure Love dahil nga ipinasok siya sa loob ng Bahay ni Kuya bilang Celebrity house guest kaya ang ABS-CBN management daw ang bahalang mag-explain sa pagkakabinbin ng taping.
Kuwento nga ni Alex, “lagi ko nga po tinatanong si Kuya (Big Brother), ‘kuya, alam ko may taping ako ng ‘Pure Love’, umeere na ba siya? Tinanggal na ba ako? Kasi Kuya alam ko may ginagawa kami, eh, malapit na ang airing.
“So lagi po ako nagtatanong, pero I think sa pagpasok ko po, sila (management) na po bahala bakit ako pumasok. Pero marami naman po akong natutuhan, maturity, responsibility, ganyan. So, nakabuti naman po at heto po, lumabas na ako, nag-start na po kami (taping).”