Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris at Kuya Boy, wagi sa Asia Rainbow TV Award

062914 kris boy asia rainbow

ni Reggee Bonoan

PERSONAL na tinanggap ni Kris Aquino ang award niya bilang Outstanding Program Hostess para sa morning show niyang Kris TV sa nakaraang Asia Rainbow TV Award na ginanap sa Macau, China noong Huwebes ng gabi.

Hindi naman nakasama si Boy Abunda para tanggapin ang tropeo niya bilang Outstanding Program Host para sa programang The Bottomline.

Samantala, nanalo rin ang ASAP 19 ng Outstanding Variety Program at si Kris din ang tumanggap.

Nainterview namin dati si kuya Boy sa set ng Aquino & Abunda Tonight at binanggit niyang nominado sila ni Kris at hindi siya sure kung mananalo dahil nga maraming kalaban.

Dadalo raw siya sa 2014 Asia Rainbow TV awards sa Macau kapag inilibre siya ng pamasahe ng organizers, pero biglang kabig niya na baka hindi rin siya makadalo talaga.

At Huwebes ng umaga ay lumipad patungong Macau si Kris kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby at ang staff ng Kris TV para isabay na rin ang taping doon para sa nasabing programa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …