Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iwa, wala pang planong pakasal kay Pampi sakaling ma-annul na kay Mickey

062814 iwa moto
ni Reggee Bonoan

INAMIN ni Iwa Moto na hindi muna siya magpapakasal sa ama ng anak niya na si Pampi Lacson kapag napawalang bisa na ang kasal nila ni Mickey Ablan na karelasyon ngayon ni Janna Dominguez.

“Puwedeng enjoyin ko muna pagiging single ko bago ko isipin ang pagpapakasal, pero hopefully ‘di ba, siyempre we have kid,” ito ang diretsong sabi ni Iwa nang makatsikahan namin siya sa presscon ng Celebrity Dance Grand Battle na isa siya sa finalist.

Si Iwa raw ang nag-file ng annulment at pakiramdam niya ay malapit na itong mapawalang bisa dahil kompleto raw siya sa pruweba.

Kasalukuyang may isyu kina Mickey at Janna na ayaw ng magbigay ng pahayag ni Iwa dahil katwiran niya ay wala siyang alam at may sarili na silang buhay ngayon.

Natanong kung ano naman ‘yung tsikang hiwalay na sila ni Pampi. “Naku, hindi na bago, laging ganoon, may times na nagkakatampuhan, pero hindi naman naghihiwalay.

“Umabot na sa isang buwan dati, pero hindi kami naghiwalay, ano kasi, kapag nasa kanya si Thirdy (anak ni Pampi kay Jodie Sta. Maria), kailangan kong umuwi sa kanila (bahay ng mga Lacson) kasi walang mag-aasikaso sa kanya, kawawa ‘yung bata, ako ‘yung naghahatid-sundo sa school.

“Wala kasing time si Pampi minsan, gabi na umuuwi kasi nagbo-boom ‘yung business nila ngayon kaya kailangang hands on siya. Eh, hayun, makikita naman niya ako roon, at okay naman kami, nagso-sorry siya. Hindi naman ako mahirap pakiusapan, kapag may nagawa kang masama, the least thing you can do is to apologize,” kuwento ni Iwa.

Napakababaw ng dahilan kung bakit nagkakatampuhan sina Iwa at Pampi, “oras kasi nga parating wala, eh, siyempre minsan, gusto kong lumabas, gusto kong kumain sa labas, hindi siya puwede kasi may meeting, hayun, topak na ako. Ngayon idine-date na niya ako,” pambubuking ni Iwa.

Dagdag pa, “every girl needs someone to take care of them, kahit hindi naman laging idine-date, maramdaman lang na importante tayo, eh, kaya lang naging sobrang busy kaya nahirapang mag-handle, hayun.”

Sobrang blessed at nagpapasalamat daw si Iwa kay Pampi dahil perfect dad daw para sa kanya, “kasi he’s a good example of a good dad, talagang nagtatrabaho siya for his kids, he’s best dad for Mimi (anak nila), maski gabi na umuuwi, he finds time (sa mga anak).

“I hope papunta sa kasalan, pero hindi namin pinag-uusapan pa kasi nga may problema pa ako (kasal),” say ni Iwa.

Masaya ring ibinahagi ni Iwa na sobrang mahal na mahal ni Senator Ping Lacson ang anak nila ni Pampi, “ano kasi, kapag nagbi-breakfast si daddy, gusto niya ibaba na si Mimi bago kasi pumasok (senate), gusto niyang laruin muna.” At carbon copy ni Senator Ping ang bunsong apo kaya siguro tuwang-tuwa siya.

Samantala, umabot sa 188 lbs. si Iwa at dahil sa kare-rehearse ng sasayawin sa finals ng Celebrity Dance Grand Battle ay talagang pumayat siya nang husto. “Nakakapayat pala talaga ang sayaw, okay naman,” sabi pa ng aktres.

Rumba ang sasayawin ni Iwa at malalaman ngayong Sabado, 9:00 p.m. sa TV5 kung sino ang magwawagi sa kanila nina Gary David, Priscilla Meirelles, Ciara Sotto, at Rafa Siguion-Reyna at mag-uuwi ng P1-M grand prize at ng karangalan na maging kauna-unahang Celebrity Dance Battle Champion na gaganapin sa Resorts World Newport Performing Arts Theater. Lahat ng ito ay nakasalalay sa kanilang all-out performance at expert judging ng Dance Guru na si Douglas Nierras na nasa Italy, Direk Joey Reyes, Dancing Queen Edna Ledesma, Dance Diva G. Toengi, at Regine Tolentino to be host by Lucy Torres-Gomez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …