Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, tinalo pa ang tunay na lalaki sa pagiging tomboy

ni Reggee Bonoan

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Hataw noong isang araw tungkol sa bagong imahe ni Sylvia Sanchez sa pelikulang The Trial kasama sina Richard Gomez, Gretchen Barretto, at John Lloyd Cruz na ididirehe ni Chito Rono.

Nakaugalian na namin na kapag may write-ups kami kay Ibyang ay tina-tag namin siya sa Facebook account niya para mabasa kasi nga hindi naman siya nakabibili ng diyaryo dahil sosyal ang subdibisyon niya at malalayo sa news stand.

Nakatanggap kami ng tawag kahapon kay Ibyang na sinagot namin kaagad sa pag-aakalang magpapasalamat, pero naloka kami dahil matinis ang boses niya.

“Kaloka, bawal pang i-post ‘yang pictures ko bawal, hindi puwede. San mo nakuha ‘yan?” tanong sa amin.

In fairness, hindi galit si Ibyang sa amin, sadyang matinis lang ang boses niya dahil ‘pag galit siya, hindi ka kikibuin.

Paliwanag sa amin ni Ibyang, sinabihan daw siya ng Star Cinema publicity director na si Mico del Rosario na bawal pang ipalabas ang mga litrato niyang nakadamit lalaki.

“Noong nagpuntahan ang mga kaibigan ko sa set, hindi nila ako nakilala kaya noong nalaman nilang ako na, panay ang picture-picture nila, kodakan ng kodakan, eh, kabilin-bilinan ni Mico, ‘wag daw ilalabas kasi pang-surprise nga sa movie.

“Eh, hindi ko naman alam na itong mga kaibigan ko, eh, pinagpo-post nila sa FB nila ‘yung pictures ko, kaya tiyak doon mo nakuha ‘no?” tanong sa amin ni Sylvia.

Um-oo kami at since nasa social media iyon, ateng Maricris ay for public viewing iyon, ‘di ba at puwedeng i-grab. (OO naman—ED)

At natuwa kami dahil first time naming nakitang nakadamit panlalaki ang aktres kaya isinulat namin.

“Yari ako kay Mico, ikaw bahalang sumagot doon. Wala akong alam d’yan,” bilin sa amin ng aktres.

Anyway, kinumusta namin ang reaksiyon ng mga anak ni Ibyang nang makita siyang nakadamit lalaki at natawa kami sa kuwento niya.

“Sina Ria (panganay) at Gela (pangatlong anak), sabi sa akin, ‘mom, please don’t be a lesbian, ‘wag ka mahahawa.

“Si Xavi (bunso), usually kasi kapag umuuwi ako at iki-kiss ko siya nakadamit babae galing ng’ Be Careful’, eh, noong umuwi ako na nakapantalon at polo, sabi sa akin ni Xavi, ‘huh? You, Boy? Boy? at panay ang tingin na nagtataka’

“Tapos ‘yung asawa ko, si Art (Atayde), sabi sa akin, ‘hayan, lumabas na talaga ang tunay na ikaw,’” Natatawa ring kuwento ni Ibyang.

Hmm, dati bang tomboy si Sylvia?

“Gaga, hindi, ganito lang talaga ako kumilos, parang lalaki, mabilis, hindi ako lady like, ayoko ng ganoon, bagal-bagal. Gusto ko mabilisan, ratsada,” paliwanag kaagad sa amin.

At ang brand daw ng brief na binili ni Ibyang, “Bench lang para mura, hindi na ‘yung mamahalin.”

Susme, mura pa ba ang Bench ngayon?

Dagdag tsika pa, “nakakatawa nga, kasi si Joy Viado (kasama sa movie), sabi niya, ‘Ibyang, nakikita brief mo, ayusin mo pantalon mo, sabi ko, ‘hayaan mo, ganyan ang mga lalaki, ‘di ba, nakikita ang brief?  Lalaki nga ako, eh.”

Ayaw ni Paulo Avelino ng ganyan (eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …