Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea Alonzo, nabilaukan sa kaseksihan ni Paulo (Ratings ng SBPAK, pumalo agad!)

ni Reggee Bonoan

ALIW kami sa mga nanood ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong Lunes ng gabi dahil habang pinanonood namin ang serye ay nakarinig kami ng hiyawan ng mga babaeng nasa katabing unit namin, ‘yun pala, dahil sa eksenang nakahubad si Paulo Avelino habang gumagawa ng tsokolate.

Susme, kinilig sila kay Paulo at  kaya alam mo na Ateng Maricris, isa ang aktor sa dahilan kung bakit aabangan ang SBPAK?

Dito kami natawa nang husto sa reaksiyon ng kasama namin sa bahay ng mabilaukan si Bea Alonzo sa tsokolateng ipinakain ni Paulo, ”hayan, ang landi-landi kasi, nabilaukan ka tuloy.”

Affected si ate (kasama namin sa bahay)? Ayaw niyang may lalandi kay Paulo, ha, ha, ha.

Tanong din sa amin ng isa pang kasama namin sa bahay, ”bakit ang panget ni Bea, bakit pinapapangit siya, rati sa ‘Betty La Fea’, ngayon ulit?”

Ang paliwanag sa amin ng taga-Dreamscape Entertainment ay hindi naman magaganda ‘yung tunay na mayayaman kasi mas importante sa kanila ang mag-manage ng negosyo kaysa magpaganda, oo nga naman.

Ratings ng SBPAK, pumalo agad!

Samantala, maganda ang mga narinig naming feedback sa mga nakapanood sa unang gabi ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon at maging sa ratings game ay mataas sa nakuhang 21.7% kompara sa katapat ng programa na halos kalahati ang lamang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …