ni Reggee Bonoan
MARAHIL kung naging lalaki si Sylvia Sanchez ay marami siyang babaeng paiiyakin.
Nakita namin ang mga litrato ni Ibyang sa social media kahapon na nakasuot ng checkered polo, baseball cap, at naka-jeans with matching rubber shoes.
Eksena pala sa pelikulang The Trial ang kinunan noong Lunes sa may Antipolo kasama si John Lloyd Cruz.
Tomboy ang papel ni Ibyang bilang nanay ni John Lloyd kasama sina Richard Gomez at Gretchen Barretto na ididirehe ni Chito Rono for Star Cinema.
Excited ang aktres sa kanyang papel dahil challenging daw at first time niyang gumanap bilang lesbian kaya panay ang paturo niya ng tamang pananalita, kilos at pananamit kay Aiza Seguerra na anak niya sa seryeng Be Careful with My Heart.
Supposedly ay first quarter of this year ang shooting ng The Trial, pero nabugbog noon si Vhong Navarro ni Cedric Lee kaya nahinto dahil kailangang asikasuhin siya ni direk Chito na nagma-manage sa aktor/TV host.
Sinundan naman ng aksidente ni Lloydie sa bisikleta sa shooting para sa Summer station ID ng ABS-CBN.
Bukod sa mga pangyayari ay ni-revise rin daw ang script ng The Trial kaya mas lalong natagalan kaya si Goma ay tumanggap muna ng trabaho sa ibang network at si Greta ay nagliwaliw sa Europe.
Para ma-feel, pati brief, bumili at isinuot
At dahil excited si Ibyang ay panay ang bili niya ng mga damit at sapatos panlalaki noong nasa Baguio City kami ng Pebrero kasi akala niya pagbaba ng Maynila ay magso-shooting na sila.
Hindi lang sapatos at damit ang biniling panlalaki ni Ibyang, pati underwear at brief din kaya tinanong namin kung bakit kailangan, eh, hindi naman iyon makikita sa pelikula.
“Gusto ko kasing maramdaman na lalaki ako, gusto kong ma-feel kung ano ang pakiramdam ng isang Tomboy. Marami akong kaibigang tomboy, iba naman ‘yung feeling, so gusto ko, feel na feel ko kaya brief ang isusuot ko,” paliwanag niya sa amin.
At base sa post ni Ibyang sa kanyang FB kahapon kasama ang kaibigan naming si Zoe Bartosis ay nagulat kami dahil astig na astig ang dating ng mama nina Ria, Arjo, Gela, at Xavi Atayde.
Say nga ni Ibyang, ”gwapo ko rito ‘no? At sa mga kaibigan kong mga thats my tomboy! Alam na!! Hahaha join forces na ako sa inyo hahaha.”
Any comment Papa Art Atayde?