ni Reggee Bonoan
KASAMA ang bagong single na SeenZoned ni Yeng Constantino sa Academy of Rock album naThe Next Step Volume 2.
Ang Next Step Volume 2 album ay binubuo ng mga awiting Straighten Those Knees—Ruth Ann Lee; Whispers—Nicki Lucido; Don’t Give Up –Chloe Villaret; Primavera – Carmela Nina Gonzales; Reach The Sky—Kelcey Palileo; People—Ruth, Nicki, Carmela, Chloe, at Kelcey; eenZone – Yeng.
At base sa music video na ipinakita ng mga estudyante ng AOR ay iisipin mong mga professional singer na sila sa galing at hindi na kami magtataka kung pagdating ng panahon ay sumikat din sila tulad ni Yeng.
Samantala, sa press conference ng Academy of Rock na ginanap sa Wafu Restaurant, Greenhills noong Sabado ay tinanong si Yeng kung ano ang kuwento sa likod ng bago niyang awitin na SeenZoned.
“Usong-uso kasi ngayon ang chat sa social media, tapos panay ang tsika mo, hindi ka naman sinasagot, pero alam mo na nababasa niya, ‘yun ang ibig sabihin ng SeenZoned, dume-deadma sa inyo na mga crush niyo,” kuwento ng Ambassadress ng Academy of Rock Singapore sa ikalawang taon.
Ang SeenZoned ay isinulat ng dalawang Filipinong composers na sina Fritz Rivera at Rodrigo Lobas Tan.
Ayon pa kay Yeng, ”I’m just really happy na nakuha nila yung timpla na gusto ko. Ini-record namin siya sa Singapore kaya sobrang exciting.”
Sa kabilang banda, bilang parte ng Academy of Rock Outreach program 2014 ang Next Step Volume 2 sophomore album ay nagkaroon ng album launch cum concert na may titulong We Are Young, Charity Concert sa Music Museum noong Hunyo 7, Sabado sa pangunguna ni Yeng kasama ang mga AOR students buhat sa Singapore at Piipinas na talagang nagpakita ng kani-kanilang talento sa pagtugtog ng musical instrument at ganda ng boses.
Ang proceeds na umabot sa P201,300.00 sa ginanap na show ay mapupunta sa Bantay Bata Foundation.
Masayang-masaya si Yeng dahil bukod sa muli siyang ini-renew bilang ambassadress ng AOR sa ikalawang taon ay excited din siya sa nalalapit niyang kasal sa kanyang long time boyfriend at hindi pa rin daw magbabago ang pagiging buhay musikero niya.
“Walang mababago sa music ko, kung ano ‘yung mga kinakanta ko at kino-kompows ko, ganoon pa rin. Usually kasi sabi nila kapag nag-asawa na, mababago na ‘yung kind of music ko, baka mag-mellow na hindi po, ganoon pa rin,” say ni Yeng.
Hindi lang pang may pera ang Academy of Rock dahil puwede rin ito sa masa tulad nga ng sinabi ng kinatawan ng AOR na nagbukas na sila ng branch sa Megamall bukod pa sa Rockwell. Naghahanap din daw sila ng lugar para sa Quezon City.
Hindi lang ang pagkanta ang ituturo ng AOR, ”more on musical instruments sila at bonus na ‘yung marunong kang kumanta at mag-compose, marami kasing kabataan ngayon ang mahilig tumugtog so, tutulungan sila ng Academy of Rock na ma-hone ‘yung hilig nila.