Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cherie, hindi sinadyang patayin ang karakter sa Ikaw Lamang!

ni Reggee Bonoan

PiNATAY na ang karakter ni Cherie Gil bilang si si Miranda Salazar-Hidalgo na asawa ni Tirso Cruz III bilang si Eduardo Hidalgo sa master-seryeng Ikaw Lamang na ipinalabas noong Miyerkoles ng gabi.

Base takbo ng kuwento ay sinundan ni Cherie ang amang si Ronaldo Valdez bilang si Maximo Salazar nang makipagkita siya kay John Estrada gumaganap sa papel na Gonzalo Miravelez na may planong hindi maganda.

Nagkaroon ng pagtatalo sina Maximo at Gonzalo bagay na inawat ni Miranda hanggang sa nagkabarilan at ang huli ang tinamaan.

Wala kaming alam na maagang papatayin ang karakter ni Cherie dahil sa pagkakaalam namin ay hanggang Setyembre pa ang Ikaw Lamang kaya nakagugulat.

Bukod dito ay may mga nabasa pa kaming blind item na tinutukoy ang isang veteran actress na parating kontrabida ang papel na namomroblema ang production dahil bigla na lang daw ito aalis ng taping bagay na ginawa ni Cherie rati sa set ng Ikaw Lamang, pero naayos din.

Ayon pa sa blind item, planong patayin na ang karakter ng veteran actress dahil mahal din ang talent fee nito na P250,000 per taping at kung maka-apat na taping days siya sa isang linggo ay tumataginting na P1-M siya.

Kaya habang pinaninood namin ang Ikaw Lamang noong Miyerkoles at pinatay na nga si Cherie alyas Miranda ay ito kaagad ang pumasok sa isipan namin na sadyang iniklian na ang exposure niya.

Kaagad naman itong klinaro sa TV executive na napagtanungan namin tungkol kay Cherie, “talagang hanggang mid-June lang contract niya kasi she will be in New York (USA) with her kids for summer.”

At tungkol naman sa sinasabing P250,000 ang TF per taping ni Cherie, “wow, ang yaman naman, ha, ha, ha, ha hindi ah.  Wit!” say pa ng TV executive.

Hayan malinaw na Ateng Maricris na hindi sinadyang patayin ang karakter ni Cherie dahil problemado sa kanya ang production.

Dadag sabi naman ng isa pang executive sa amin, “kinailangang patayin na siya sa kuwento.”

Oo nga, kasi may Ronaldo, John, Jake Cuenca, at Julia Montes pang kontrabida sa pag-iibigan nina Coco Martin (Samuel) at Kim Chiu (Isabelle).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …