Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bunso nina John at Janice, artista na rin!

ni Reggee Bonoan

ARTISTA na ang bunsong anak na babae nina John Estrada at Janice Estrada dahil kasama siya sa Witch-A-Makulit episode ng Wansapanataym na mapapanood ngayong gabi kasama sina Miles Ocampo at Alyanna Angeles.

Say ni Inah, “sa totoo lang po, kinakabahan talaga ako sa expectations sa akin ng mga tao dahil magagaling na artista ‘yung mga magulang ko. Pero sa ngayon po, ine-enjoy ko lang ‘yung moment at nagpapasalamat na binigyan ako ng chance na makapagbigay-inspirasyon sa mga kabataan.”

Ayon naman kay Miles, “nakaka-excite po dahil first time ko na magkaroon ng role na mayroong superpowers.”

Gagampanan ni Miles ang karakter na Krystal na pangalawa sa tatlong magkakapatid na ipinanganak na may lahing mangkukulam.

Dagdag pa ni Miles, “pampamilya po talaga ang kuwento nina Krystal, Jade (Inah), at Emerald (Alyanna) dahil bukod sa mga away-magkakapatid nila, tiyak marami rin po silang aral na matututuhan tulad ng importansiya ng pagsunod sa magulang.”

Samantala, isa namang magandang learning experience para kay Alyanna na makasama sa Wansapanataym.

“Masaya po ako na makasama sina Ate Miles at Ate Inah kasi marami po akong natututuhan sa kanila,” sabi ng Kapamilya child star.

Bahagi rin ng Witch-A-Makulit sina Benjie Paras, Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, CJ Navato, Jon Lucas, Nina Dolino, at Chienna Filomeno mula sa panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at direksiyon ni Lino Cayetano.

Huwag palampasin ang simula ng Wansapanataym special nina Miles, Inah, at Alyanna ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …