Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, abot-abot ang blessings mula sa Maybe This Time at Ikaw Lamang

ni Reggee Bonoan

ABOT-ABOT ang ngiti ni Coco Martin dahil hindi lang ang pelikula nila ni Sarah Geronimo naMaybe This Time ang winner kundi pati ang seryeng Ikaw Lamang na nakakuha ng 31.5% mula sa Kantar Media noong Biyernes (Hunyo 6) na ibig sabihin ay  nanguna sa listahan ng most-watched TV programs sa bansa na halos doble sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA naKambal Sirena (14.9%).

Tulad sa Maybe This Time na kapit na kapit ang lahat ng nakapanood ay ganito rin ang sa seryengIkaw Lamang sa pagsiklab ng mas malaking sigalot sa pamilya nina Samuel (Coco), Franco (Jake Cuenca), Mona (Julia Montes), at Isabelle (Kim Chiu).

Samantala, tiyak na lalong tututukan ng TV viewers ang mas kapana-panabik na komprontasyon ng mga karakter sa Ikaw Lamang matapos madamay sa isang malaking aksidente si Franco.

Magagawa ba ni Samuel na layuan si Isabelle sa gitna ng matindi nitong pinagdadaanan dahil sa pagseselos ng asawa niyang si Mona? Mapapatawad pa ba ni Miranda (Cherie Gil) ang kanyang ama na si Maximo (Ronaldo Valdez) ngayong alam niya na ito ang tunay na nagdala ng panganib sa buhay ng kanyang asawa’t anak?

Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena nina Coco, Kim, Julia, at Jake sa teleseryeng Ikaw Lamang pagkatapos ng  Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Ikaw Lamang bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …