ni Reggee Bonoan
KAHAPON ginanap ang conference meeting ng Movie and Television Review and Classificationo MTRCB na pinangunahan ni Chairman Toto Villareal sa ABS-CBN executives na sina Raymund Dizon (exec-in-charge of production), Justin Javier (production manager), Alou Almaden (business unit head), Cynthia Jordan (production manager), Marcis Joseph Vinuya(program producer), at legal counsel na si Atty. Mona Lisa Manalo. Sa panig naman ngPhilippine Commission on Women ay naroon si Chairperson Remedioa Rikken at information officers na sina Ofelia Escuriaga at Nikki de los Santos.
Kuwento sa amin ng nasa meeting, ”mahabang diskusyon, maraming pinag-usapan, lumabas muna kami kasi masyadong teknikal at kanya-kanyang paliwanagan.”
Dagdag tsika pa ay wala raw planong humingi ng sorry ang ABS-CBN sa nude painting session sa loob ng Bahay ni Kuya dahil pumayag naman daw mismo ang housemate na si Jayme Jalandoniat kung talagang labag ito sa kalooban niya, dapat ay hindi raw nito sinunod ang utos ni Kuya.
Base naman sa post ng taga-PBB na iritable sa mga bumatikos sa kanilang programa, ”the show reinforces how society treats women and their role in the society. That they are simply meant for housework…”
“Talaga lang? Eh ‘di ‘yung society ang sisihin nyo. FYI, babae po ang host ng show at babae rin ang karamihang naging Big Winner. Marami rin pong babae ang bumubuo ng programa.
“Ang konsepto ng hamon ni Kuya ay kung hanggang saan ka papayag? Kailan ka magsasabi ng oo at hindi? Pagtitimbang sa iyong pinaniniwalaan laban sa maaaring hindi pagkain ng karne sa mga susunod na araw. Test of character. Wala pong pilitan na naganap at mas lalong wala sa intensiyon na saktan, maliitin, at bastusin ang mga kababaihan.”
Samantala, nakatanggap kami ng mensahe kahapon mula sa publicist ng reality and talk TV na si MJ Felipe kung ano ang napagkasunduan sa conference meeting.
“According to Mama Bear (Cynthia Jordan), pinakinggan lang ‘yung side ng mga nagrereklamo and ‘yung side ng ‘PBB’.
“No sanctions naman, parang nag-remind lang na mag-self regulate and maglagay ng SPG if kailangan. PBB reiterated na carefully though of naman ‘yung concept ng challenge.
“But then again, Toni (Gonzaga) will isyu statement tonight (kagabi) saying na humihingi ng pasensiya if the episode cause stress to some people.”
Sa madaling salita ay walang parusang ipinataw ang MTRCB sa PBB.