ni Reggee Bonoan
ANO kaya ang ire-regalo ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kasal nina Luis Manzano at Angel Locsin?
Kaya namin ito naitanong ay dahil nabanggit ng Aquino & Abunda Tonight host na nag-open siya ng account para makapag-umpisang mag-ipon dahil ninang siya sa kasal nina Luis at Angel.
Ibinuking ni Kris ang sarili noong mag-guest si Angel sa A & A noong Miyerkoles ng gabi para sa pasalamatan ang lahat ng nanood ng The Legal Wife na malait ng mamaalam.
Sabay tanong ni Kris kay Angel kung engaged na sila ni Luis na kaagad ding itinanggi ng aktres.
Kaaliw lang Ateng Maricris dahil akala ni Angel ay hindi na siya mapi-pressure kapag natapos na ang TLW ay mas lalo pa pala siyang pressured dahil ang kasal naman nila ni Luis ang aabangan ng lahat sa pangunguna ng ninang nilang si Kris.