ni Reggee Bonoan
NAKANINERBIYOS at nakaka-proud ang experience na naramdaman namin nang imbitahan kami para maging isa sa guests ng The Bottomline na mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN.
Sobrang mahiyain kasi kami kaya sa tuwing may nakatutok sa aming TV camera ay umiiwas kami lalo na kapag hihingan kami ng komento tungkol sa mga pelikula o programang napanood namin.
Pero hindi namin nagawang iwasan ang imbitasyon ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda para sa nalalapit na ikalimang anibersaryo ng programa niyangThe Bottomline dahil malaking parte ng pagiging showbiz reporter namin ang nasabing TV host dahil siya ang unang nag-imbita sa amin sa presscon noong kasikatan ng Manila Metropolitan Theater sa may Lawton, lungsod ng Maynila.
Base sa paliwanag ni Aaron Domingo ng Corporate Communication, tatalakayin daw sa The Bottomline ang mga sarap at hirap ng pagiging isang reporter at kung ano ang unforgettable experience namin.
Kaya pumayag na rin kami pero naroon ang agam-agam sa amin na baka magkalat kami at hindi na kami makasagot kapag nakatutok na ang kamera na nangyari nga, kaya pagpasensiyahan na sana kami ng mga tagasubaybay ng The Bottomline na mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN kasama ang mga katotong Aaron (dating PMPC member), Vinia Vivar (Bulgar/Peoples Tonight), Julie Bonifacio (Bandera/Remate), at Ms. Crispina Belen (former editor of Manila Bulletin), kasama rin ang tagaradyo na sina Chacha at Papa Ahwel Paz, blogger Rod Magaru, at ang nag-iisang Mutya ng Masa, Ms Doris Bigornia.
Uuriratin ni Kuya Boy kung ano ang sikreto ng reporters sa pangangalap ng scoop o mga eksklusibong istorya at paano namin hinaharap ang death threats at libel cases. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng media sa sambayanang Filipino? Ilan lang ito sa pag-uusapan namin sa The Bottomline ngayong gabi.
Totoo pala ang sinasabi ng iba na mas masarap ang mag-interbyu at manggisa kaysa ang reporter na ang tinatanong sa harap ng kamera.
***
PERSONAL: Pinasasalamatan namin ang ABS-CBN Corporate Communication staff na sina RJ Jabeguero- Rodillo at Joyce Mariz (JM) Hipolito na parati naming kinukulit kapag may tinatanong kami tungkol sa ratings at pictures na kailangan namin.
Hello na rin kina Cessette Calleja, Myan Vera Marucut, Dante, at Regie na kinukulit din namin sa susi ng press office kapag magde-deadline kami kasama ang ibang katoto.