Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea at Paulo, napaka-sensual ng pagsusubuan ng tsokolate

ni Reggee Bonoan

Samantala, base sa ipinakitang trailer ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay maraming humanga sa magandang katawan ng aktor habang nagluluto siya ng tsokolate na naka-apron lang ang takip.

At nang makaharap niya si Bea Alonzo ay tinanggal niya ang apron kaya natulala ang dalaga nang makita ang magandang dibdib ng aktor.

Inamin naman ni Paulo na dumaan sila sa sensuality workshop ni Bea kay direk Laurice Guillen para raw mawala ang ilangan at tagumpay naman dahil maganda ang kinalabasan ng eksenang inaakit niya ang dalaga.

At dahil chocolate maker si Paulo ay ikinompara niya si Bea sa Royce dahil masarap at mamahalin at sa dark chocolate (uri) naman ikinompara ng aktres ang aktor dahil matamis at may pait daw.

Nang makatsikahan naman si Bea kung paano siya napapayag sa ganoong eksena, “hindi na tayo puwedeng magpa-cute ‘di ba, siyempre kailangan mo ng mature (role), pero mayroon ka pa ring responsibilidad at boundaries.”

Oo naman dahil sa pelikulang The Mistress at ‘yung serye nila ni John Estrada at John Lloyd Cruz na A Beautiful Affair ay may kissing scenes na ang aktres.

Sa kabilang banda, inamin ni Bea na habang inaakit siya ni Paulo ay, “hinayaan ko ang sarili ko na mawala at ma-enjoy ‘yung moment na ‘yun. At bumalik lang noong nag-cut na, ‘oo nga pala, may boyfriend pala ako,’” natawang sabi ng dalaga.

Napaka-suwerte ni Zanjoe Marudo dahil tapat na girlfriend si Bea dahil lahat ng eksenang ginawa nila ni Paulo ay ikinuwento niya, “hindi naman seloso ‘yun, very professional ‘yun, pareho kaming artista kaya alam namin ‘yung proseso.

“At saka ‘pag pinanood mong ganyan na sensual, during the time that we’re doing it cut to cut, kasi every shot, cut, so hindi ano (tuloy-tuloy) iba talaga ‘yung experiences na love scenes, iba pang ginagawa mo.

“Pero ‘pag pinanood mo na, magugulat ka kasi ang tindi pala niyon (eksena), kasi hindi ko ma-realize at saka ang daming tao, sana tanggapin ng maganda (televiewers) tulad ng ‘Legal Wife’ na papalitan namin,” say ng dalaga.

Pressured sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang kapalit ng The Legal Wife na magtatapos na sa loob ng tatlong linggo at aminado ang aktres na sobrang pressured sa parte nila.

“Nakakakaba talaga kasi nga ang daming nanonood ng ‘Legal Wife’, ganoon talaga na kailangan munang i-establish ng matagal lahat at kailangang mahalin ang lahat ng characters tulad ng ginawa sa ‘Legal Wife’ na una nag-e-esablish muna, tapos heto na ‘yung plot, so lahat nagulat.

“So, ganito rin ang mangyayari sa ‘Sana Bukas Pa Ang Kahapon’ at siguro naging habit na rin na abangan ang same timeslot na very challenging din ang timeslot na ‘yan kasi last at medyo late na,”punto ng aktres.

Sa tanong namin kung may sampalan din, “so far wala pa, pero definitely marami kaming cat fight ni Maricar (Reyes-Poon), marami silang kontrabida, si Dina (Bonnevie), Kuya Ton (Tonton Gutierrez), Kuya Bembol (Rocco).

“Ang ganda kasi ng concept kasi two character ako, so two face ako rito, so bawat face ay grey, may black and white, so grey.

“Kagaya sa totoong buhay, may ganoon tayo, ‘di ba? Black and white, mayroon tayong light side, mayroon tayong dark side, hindi naman tayo lahat santa, kahit ako mayroon din akong kasamaan at mayroon din akong kabutihan.”

At tinanong kung ano ang kasamaan ni Bea, “ayaw ninyo makita ‘yun, huwag na ipakikita sa publiko (magalit), hindi nila ako kilala. Marami akong natutuhan sa karakter kasi may parte rin ako na personal.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …