ni Reggee Bonoan
Aliw din ang katotong Ogie Diaz bilang girl Friday ni Coco at pasok na pasok ang suggestion niyang ‘minekaniko ang makina ni monica’ dahil ang ganda ng pagkakabitaw ni Sarah kaya tawanan ang lahat lalo nang tumawag si Ruffa bilang si Monica na tinawag naman ni Tonio ng, ‘hello makina’ na ikinasamid ni Teptep.
Ayaw na naming i-preempt ang istorya ng Maybe This Time pero ang masasabi namin ay ilang beses kaming natawa at umiyak, yes, maraming eksenang nakaiiyak tulad sa mga pelikula nina Sarah at JLC.
Sa kabilang banda, mukhang magkakatotoo ang prediction na aabot sa P300-M ang Maybe This Time dahil base sa nakita naming pila kahapon sa Trinoma Cinemas. Dapat na bang kabahan si John Lloyd sa tambalan nila ni Sarah Ateng Maricris?