Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, ‘di nainterbyu dahil sa pagpapa-picture ng fans

ni Reggee Bonoan

INIS na inis kami sa mga nagpapa-picture kay Aljur Abrenica sa nakaraang bagong campaign ng multi-awarded na BlueWater Day Spa  sa Marco Polo Hotel, Ortigas Center, Pasig City noong isang araw dahil sa gitna ng interbyu namin sa aktor ay bigla siyang hinila para lang mag-selfie.

Nagsabi na kami sa staff ng Blue Water Day Spa na iinterbyuhin na lang namin si Aljur sa harapan ng stage dahil sa wall na sinasabing puwesto ay puno na at puro TV reporters ang naroon.

Pumayag naman pero biglang hinila ulit at sa photo wall daw dapat magpa-interview, so umokey na kami, pero nagulat kami dahil marami palang nakaabang na magpapa-picture kaya sa inis namin ay umalis na kami at nagpaalam na lang sa publicist nito na si Rikka Dylim.

Anyway, parami ng parami ang ambassadors ng Blue Water Day Spa dahil dati-rati ay dalawa lang ang kinukuha nila, pero nitong 2014 ay dumami na at idinagdag sina Mikaela Lagdameo-Martinez, Fabio Ide, Kim Suiza, at ang Semerad Twins—Anthony at David, Wyn Marquez, Ervic Vijandre, LA Aguinaldo, Pia Wurtzbach, Mariel De Leon, at Jovic Susim. Kasama na rin sina Aljur, Ian Batherson, at Iya Villania na ini-launch noong 2013 sa Edsa Shangrila Hotel.

Napili raw ang mga nabanggit dahil sila ay ”healthy and active through their respective fitness routines, these celebrities embody a redefined lifestyle—one that is shaped by actively taking care of themselves by choosing healthier options and getting BlueWater Day Spa treatments.”

Paborito ni Iya ang pampering at relaxation, ”It is important for celebrities like us to take care of ourselves since people will see it when you’re stressed because it will show in your skin.”

Pabor naman sina Aljur at Ian at gusto nila sa kanilang paboritong wellness center ay ang Spa Theater na puwede sila makipag-bonding sa kanilang mga kaibigan. Matatandaang ang BlueWater Day Spa ang kauna-unahan at nag-iisang nagpakilala ng Spa Theater.

“My favorite BlueWater Day Spa treatment is the Revita Firm and Revita Shape Treatments.  Using the technology of heat, it is a non-invasive approach to tighten the skin and lift it at the same time,” sabi naman ni Mikaela.

Kasabay ng campaign launch, ipinakilala rin ng BlueWater Day Spa ang dalawang bagong treatments: ang Emans Massage at ang Brazilian Hand and Foot Massage.

Sabi nga ni Ms Nancy Go, operations manager, ”The word ‘lifestyle’ is usually associated with luxury or having wealth. Through this campaign. We are changing its definition to encompass a broader idea.  Lifestyle is about the choices you make every single day of your life. As the country’s premier hub of wellness, we would like to inspire our consumers to lead a healthy, positive and productive lifestyle.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …