Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 tulak tigbak sa parak

052814 QCPD drugs dead

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makasagupa ang mga operatiba ng QCPD District Anti-Illegal Drugs sa buy-bust operation sa Katarungan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling-araw. (ALEX MENDOZA)

PATAY agad ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Commonwealth, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Chief Supt. Richard Albano, QCPD Director, patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na napatay nang makipagbarilan sa mga operatiba sa Katuparan St., Brgy. Commonwealth, dakong 2:30 a.m.

Nauna rito, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs sa pamumuno ni Insp. Roberto Razon sa nasabing lugar.

Habang isinasagawa ang bilihan ng droga, nakahalata ang mga suspek na mga pulis ang poseur buyer kaya nauwi sa barilan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Narekober sa pinangyarihan ng enkwentro ang kalibre .45 at kalibre .38 baril, marked money na ginamit sa transaksyon at nasa 50 gramong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.

Nakuha rin sa mga suspek ang gamit na motorsiklo na nakaalarmang kinarnap. (Almar Danguilan/jethro sinocruz)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …