ni Reggee Bonoan
TINANONG namin si Kris Aquino tungkol sa nakitang nag-dinner date sila ni Derek Ramsay kasama ang magulang ng aktor sa Dusit Hotel noong Miyerkoles ng gabi na isinulat namin dito sa Hataw noong isang linggo.
Say ni Kris, ”yes I did have dinner with Derek and his parents.”
At kaya raw hindi na nagpo-post si Kris sa kanyang Instagram ng mga ganitong dinner date ay, ”we chose not to take pictures because we want to protect our friendship.”
Oo nga naman baka lagyan ng malisya, kaya mas okay na sigurong nasusulat lang, ha, ha, ha.
Anyway, tinanong namin kung totoong hindi type ng advertisers na nali-link siya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista kaya lumayo na siya, ”no truth to advertisers objecting.”
Samantala, nasa Pico de Loro Beach Resort si Kris noong Biyernes habang ka-text namin para sa taping ng Kris TV.