Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Holdaper utas sa enkwentro

052514 QC dead

Nakabulagta sa gilid ng bangketa ang isa sa dalawang riding in tandem robbery group nang maka-enkwentro ang mga tauhan ng QCPD-Stn.6 sa Kagawad St., Area C, Brgy. Batasan Hills, QC. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang isa sa dalawang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Baranngay Batasan ng lungsod, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Supt. Eleazar Matta, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan sa napatay na holdaper.

Sa ulat, hinoldap ng dalawang suspek si Melinda Librado, 50, ng Quezon City.

Dakong 9 p.m. nag-aabang ng masasakyan si Librado sa Litex Road, Barangay Batasan nang huminto sa tabi niya ang isang motorsiklo lulan ang dalawang holdaper na agad siyang tinutukan ng baril saka kinuha ang dalang bag bago tuluyang tumakas.

Ipinagbigay-alam ni Librado ang insidente sa nagpapatrolyang mobile car ng Station 6 kaya agad nahabol ang mga suspek.

Namataan ng mga pulis ang dalawang holdaper na kanilang nakorner sa Kagawad St., pero imbes sumuko, pinaputukan ang mga operatiba.

Dahil dito, gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa suspek pero nakatakas ang isa pa.

Nakuha mula sa bumulagtang suspek ang kalibre .45 baril at ang bag na positibong kinilala ng hinoldap na ginang. Walang nakitang pagka-kakilanlan sa napatay na suspek.

(Almar Danguilan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …